CHAPTER 19: Hearsay

35.7K 438 37
                                    


*******

'Danilo!' Kath greeted her first-born happily nang ipasok ito sa loob ng kwarto nya kinabukasan ng umaga.

The baby cooed and smiled habang nakaupo naman sa tabihan si DJ. Halata sa mga mata nitong hindi ito nakatulog dahil sa kakabantay sa asawa. Napansin ito ni Kath at kinuha ang kamay nito.

'Babe, dito ka muna sa bed. Sleep ka muna. Kargahin ko si Danilo e.'

Tumingin lamang si DJ sa asawa. Umiling matapos pumikit.

'Ok lang ako Bal. Onting idlip lang to. Dyan ka lang. Wag mo na muna kargahin si Danilo.'

'Pero kasi...' She tried to reason out.

'Higa ka na lang muna dyan, anak.' Min told her youngest habang karga si Danilo. 'Gusto mo, itabi ko na lang sayo dyan etong batang makulit na'to?' Medyo inalog- alog ni Min ang apo.

'Sige Ma, akin na po.' Kath reached out to Danilo matapos muling sulyapan ang asawa na tila nakatulog na nga sa lazyboy sa tabi ng kama nya.

Parang kinilig ang panganay nina Kath at DJ nang maitabi sya sa ina. Agad namang hinalikan ni Kath ang noo ng anak.

'Nagkulit ka ba kagabi anak?' She asked Danilo. 'Araaayyyy!'

DJ's eyes flew open upon hearing Kath's scream.

'Anong nangyari Bal?'

'Hinila ni Danilo yung buhok ko.' She cried.

Tatawa tawa naman si Min habang nakaupo sa couch.

'Sa akin na nga.'

Tumayo si DJ mula sa kinauupuan at kinuha si Danilo mula sa asawa. Agad namang umiyak ito.

'Ssshhh... Sshhhh... Tatay 'to Danilo. Lika, mamasyal tayo sa labas ha?' Isinayaw sayaw muna ni DJ ang anak bago inilabas ng kwarto ni Kathryn.

'Ang swerte ko sa asawa ko.' Kathryn sighed as she watched DJ and Danilo.

'Dapat lang ano.' Komento ni Min habang papalapit sa anak. 'Natengga mga projects mo dahil sa pagkakabuntis nya sa'yo.'

'Ma.. Hanggang ngayon ba naman? Hindi naman si DJ lang ang may kasalanan nun e. Kasalanan ko rin. Ma naman, wag na nating ibalik yan please?' Pakiusap ni Kathryn. 'Diba, ok naman na lahat?'

'Sabihin mo nga sa akin Kath, sinasaktan ka ba ni DJ?'

Kath froze upon hearing her mother's question. She avoided her gaze and looked away.

'Anong klaseng tanong ba 'yan Ma? Saan mo nakuha yan?'

'Anak, sabihin mo sa akin yung totoo. Ayaw ko ng nagsisinungaling diba?'

'Ma...'

'May nakapagkwento sa akin Kath. Nagsisigawan daw kayo 'pag nag-aaway. Kahapon, kaya ka daw isinugod dito sa ospital e dahil nag-away na naman kayo.'

'That's not true.' Iling ni Kath. 'We argue sometimes pero...' She stopped talking at once.

'Pero?'

'Pero hindi nya ko sinasaktan Ma. DJ would never do such thing.' Kathryn kept a straight face habang sinasabi iyon sa ina.

'Sana nga hindi totoo yung kwento sa akin na kinaladkad ka ni DJ papunta sa kwarto nyo after you had a fight.'

'Ma?'

Namutla si Kathryn sa narinig. Naalala na naman nya ang pangyayaring iyon.

'So was that true?'

Dahan dahang umiling si Kath.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon