************Kathryn just finished tucking Danilo into his afternoon siesta when she heard a series of knocks on the nursery's door. She pried it open and saw Manang Leni, holding the wireless phone.
'Ms. Kath, phonecall po.' Magalang nitong sabi.
'Sino daw po?'
Nagkibit balikat lang ang kasambahay habang inaabot ni Kathryn ang telepono.
'Hello?' Lumabas siya mula sa kwarto ni Danilo. Muli niyang inilayo ang receiver mula sa kanya at bumaling sa kasambahay. 'Manang, pakibantayan po muna si Danilo.'
'Kathryn!'
'Ate Lulu!'
************
Parang namimilipit sa upuan si Kathryn sa loob ng office ni Mr. M. Umalis siya sa bahay ng mga Ford na hindi kasama si Danilo at ipinaubaya lamang sa mga kasambahay doon.
'Pag dumating na si DJ o si Tita Karla o sina Magui at hinanap nila ako, pakisabi may binili lang sandali ha?' Bilin niya sa mga kasambahay ng mga Ford.
Napatutop sa noo si Kathryn. Hindi niya akalaing magagawa niyang magdahilan para lamang makaalis ng bahay. Ngayon, ipinagdarasal niya na sana ay walang magkwento kay DJ na nakita nila ang isang Kathryn Bernardo na naglalakad sa corridors ng ABS patungo sa opisina ng pioneer ng Star Magic.
'Kathryn!' Masiglang tawag ng starmaker habang papasok ito.
'Mr. M!' Bati niya at niyakap ang kaharap.
'Kamusta ang buhay may asawa at anak?' He asked as he settled on his chair.
'Masaya po. Fulfilling.' She beamed.
Tumango tango si Mr. M.
'Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Kathryn, ano?' Biglang nag-seryoso ang lalaki. 'I want you to come back on doing what you really love most. Acting. Immediately.'
'Pero mahal ko po ang ginagawa ko ngayon Mr. M. Masaya po ako bilang ina at asawa.' She said.
'Kathryn, ako ang nasa likod ng ASAP. Just in case nakalimutan mo na.' He smiled. 'Yung guesting mo noong isang linggo showed how much you really missed the limelight. And you look so fresh sa screen. Also, the clamor for you is now high. Ratings of that episode showed that. People missed you.'
Kath's eyes widened. Nami-miss niya ang pag-arte sa harap ng camera. It's a known fact. At alam niyang nami-miss din siya ng mga fans. Sa araw araw yata na ginawa ng Diyos ay parating trending sa Twitter ang mga HT na #WeMissKathrynBernardo #WeMissKathNiel o kaya naman ay #NewProjectForKNPlease
Gustong gusto niyang bumalik. Sigurado siya sa sarili. Ngunit alam din niya ang kaakibat na sakripisyo noon. Maaaring hundi na niya maalagaan mabuti ang anak. Maaaring may magbago din sa pakikitungo niya sa asawa. At ayaw niyang mangyari ang mga bagay na ganun. Ngunit hindi rin naman maaalis sa katawan niya ang pagiging artista. Nangako siyang babalik siya. Hindi nga lamang ganito kadali pero alam niyang babalik siya.
'May mga naiwan ka pang kontrata, hija.'
With that statement, Kath snapped out of her reverie.
'Sinabi naming pwede kang mamahinga pero di namin akalain na it will take years for you to come back. Ano na lang ang gagawin natin sa mga pending projects mo?'
Kathryn stared at the guy in front of her. And she's sure of it. It wasn't the same guy na nadatnan siya doon. The guy in front of her was menacing.
'Ano po bang---' Kathryn started.
'Ah, I knew it'll come to this. Here.' And he slid a fastened stack of bond paper to her.
'Hiram Na Mukha.' She read.