CHAPTER 17: More Questions

36.3K 489 97
                                    


******

'Problema mo?' DJ asked Kath matapos lumabas ng huli mula sa toilet.

'Ha? Wala...' Kath denied. Dumirecho siya sa crib ng anak at pinagmasdan ito. 'Bagsak agad.' Ngiti niya.

'Napagod ata. Panggigilan ba naman ni Vice.'

'Sabi ko naman sa 'yo kasi, wag na lang isama e.'

Bumuntong hininga si Kath.

'Wala din naman kasi akong gagawin. Tsaka ok na rin na nakakapamasyal si Danilo para hindi puro interior nitong bahay natin ang nakikita nya.'

'Babe...' Tawag ni Kath sa asawa matapos itali ang buhok pataas.

'Hm?'

Naglakad palapit kay DJ si Kath. Agad namang inilagay ni DJ ang mga kamay sa bewang ng misis.

'I love you.' She told him before dissolving into his arms.

'Ang lambing a.' DJ smiled. 'May gusto ka no?'

'Kelan natin dadalhin sina Snow dito?' Hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa.

'Sabi na nga ba.'

'Miss ko na yung mga anak-anakan natin. Si Snow, particularly. Baka hindi na niya ko kilala.' She frowned.

'Bukas, puntahan natin. Si Shadow, kukunin ko rin.'

'Yey!' She raised her hands and cheered. 'Na-miss ko yung dati, yung tayo tapos si Cola, si Snow... Nakakatawa no? 1 year ago, yung buhay natin umiikot sa mga aso. Tapos ngayon, may Danilo na tayo.'

'Ayaw mo ba nun? At least, baby na talaga yung anak natin. Natakot nga ako dati e. Akala ko magiging mukhang bichon ang panganay natin.' DJ sniggered.

Umupo ang dalawa sa kama at hinagap ni DJ ang kamay ni Kath.

'Sundan na natin si Danilo.' Hinalikan nito ang kamay ni Kathryn.

Tila nakuryente naman si Kath sa narinig. Agad nyang binawi ang kamay mula sa asawa.

'Bakit?' Nag-aalalang tanong ni DJ.

'Huwag muna.' Kath smiled awkwardly and stood up from the bed. 'Wala pang isang taon si Danilo e.' Dumirecho sya sa kanilang walk-in closet at naghanap ng pantulog. She decided to pull an old shirt of his and night shorts.

'Ang cute mo talaga.' DJ gushed as he leaned on the door. 'Hanggang ngayon, hindi mo pa rin gets ang ibig sabihin ko sa 'sundan na natin si Danilo'.' And he smirked.

'Ano ba kasi?' Kath looked at him and asked.

DJ then smiled again and grabbed her waist, hoisting her up on his shoulder.

'DJ!' Kath laughed as she called her husband's name. 'J, ibaba mo ko!'

'Pag sinabi kong sundan na natin si Danilo, ganito ang ibig sabihin ko.' He whispered as he hovered on top of her, his mouth touching every bit of exposed flesh of hers.

'J...' Kath whimpered, grabbing both of his shoulders and lightly pushing him away from her.

Natigilan na lamang si DJ sa ginawa ng asawa. Napailing din ito.

'Sorry.' She apologized before standing up from the bed para mag-shower.

'Mahina ka na talaga sa romansa, Daniel.' Bulong ni DJ bago humilata sa kanilang kama.

**********

Abala sa paghahanda ng kanilang breakfast si Kath habang nakaupo naman sa kanyang high chair si Danilo at pinagmamasdan ang ina. Hawak ng bata ang isang rattle at maya't maya ay humahalakhak ito habang pinapanood si Kath na kumekembot kembot.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon