CHAPTER 11: One on One

44.9K 439 34
                                    


********

'J...' Yugyog ni Kathryn sa balikat ng asawa. 'J, gising na.' Ulit nito dahil ni hindi man lamang natinag si DJ. 'May call time ka ng 5:30, 3:30 na o. Medyo malayo pa location nyo.' Malambing na sabi ni Kath.

Hindi pa rin pinansin ni Daniel ang asawa at nanatiling nakapikit ito.

'DJ.' Patuloy pa rin sa panggigising si Kath.

Napatili na lamang siya nang bigla siyang haltakin ni DJ. Pinaimbabawan siya nito.

'Good morning din sa'yo asawa ko. Mahal na mahal kita.' He told her, showering her face with kisses.

'Laway mo.' Reklamo ni Kath as her face wrinkled. 'Toothbrush ka kaya muna.'

Kinuha ni DJ ang kamay ng asawa at hinalikan iyon.

'Sorry talaga Kath.' He looked at her sincerely.

Kita ni Kathryn kung paano unti unting namumuo na naman ang luha sa sulok ng mata ni DJ.

'Sorry kung nasaktan kita kahapon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko yun.'

Nagsimula na ngang tumulo ang luha ni DJ.

'Nagagaguhan ako sa sarili ko, Kath. Please always remember na mahal na mahal kita. Hinding hindi na kita sasaktan. Mahal na mahal kita.'

Tumango si Kathryn at ngumiti saka masuyong hinalikan ang labi ni DJ.

'I love you J.' She whispered. 'I love you so much.'

*********

Magkakasama sina Kathryn, ang kanyang ina at si Carla sa may terrace habang abala naman si Danilo sa paglalaro ng kanyang rattle ball. Pinaplano na nila ang gagawing binyagan. Nais sana ng mag-asawa na maging simple lang. Ngunit maraming humihiling na gawing enggrande ito. Ilang magazines na rin ang nag-offer para i-cover ang event at lahat ng mga ito ay malaking halaga ang handang ibayad makakuha lamang ng exclusive scoop sa tinaguriang event of the year.

Hindi nais nina DJ at Kath na maging ganito ka-kontrobersyal ang binyag ng panganay. Sapat na sana ang ilang litrato at kahit hanggang dalawang pahina lamang ng artikulo para sa selebrasyon ngunit ang gusto ng mga ito ay maging ang storya ng pagbubuntis ni Kathryn ay mailahad nila.

'So bukas, food tasting tayo.' Excited na sabi ni Carla.

'Naku anak, baka hindi na muna ako makasama bukas.' Malungkot na sabi ni Min. 'Kelangan kong puntahan ang papa mo sa Cabanatuan. May aayusin lang kami.'

Tumango si Kathryn.

'Andyan naman po si Mama Carla. I-kiss mo na lang ako kay Papa bukas Ma, ha?' Ngiti ni Kathryn.

'Baka gusto ring sumama ni DJ bukas. Wala yata syang schedule tomorrow.' Carla suggested.

'Sasabihin ko po. Kaso gusto ko, mag-rest na lang sya. Lately po kasi, mahaba na yung dalawang oras na naitutulog nya e.'

'Lagare kasi sa taping. Paganda ng paganda yung teleserye e.' Nakatawang sabi ni Min. 'Nakaka-proud. Sobrang galing na nya talagang umarte.'

Halata ang ningning sa mga mata ni Kathryn nang marinig ang papuring iyon. Proud na proud sya sa asawa at sa lahat ng tinatamasa nito. Ngayon, ang hinahangad na lamang niya ay ang buong pusong pagpayag ni DJ para sa tinanggap niyang proyekto. Hindi pa sila nag-uusap. At alam niyang hindi magiging madali iyon.

*********

Hindi na ikinagulat ni Mr. M nang ipaalam sa kanya ng kanyang sekretarya na naghihintay sa kanya ang isang Daniel Padilla sa loob ng kanyang opisina. Batid ng Star Magic honcho na hindi nalalayong mangyari ito. At alam niya ang dahilan kung ano ang ipinunta ng pinakabatang Padilla sa mundo ng showbiz sa kanyang opisina.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon