CHAPTER 27: Lullaby

28K 504 89
                                    


*********

Kathryn warily slipped into her bed after usual nighttime rituals. Pang-ilang gabi na iyon na hindi nya katabi sa pagtulog ang asawa at ayaw man niyang aminin pero hindi pa rin siya sanay. Naaalala niya kung paano siya yakapin ni DJ as she settles beside him. Maybe it was his reflex pero automatic na hinahanap ng mga kamay ni DJ ang bawat kurba sa katawan niya oras na magkadikit na ang mga balat nila.

It hurts to admit it. She misses him.

Pakiramdam niya ay hindi pa niya naiipikit ng tuluyan ang mga mata ngunit napamulat na agad sya matapos marinig ang mga iyak ni Danilo. Dali dali syang bumangon mula sa kama at nilapitan ang anak.

'Danilo.' Tinapik tapik ni Kath ang binti nito as she hummed a lullaby.

Ngunit imbis na tumigil kakaiyak ang anak ay lalo lamang lumakas ang atungal nito.

'Naku.' She scrambled to the table where Danilo's feeding bottles and can of powdered milk sit. Agad na nagtimpla si Kathryn ng gatas at patakbong lumapit sa anak. 'Oh, eto na. Eto na.' She whispered.

Ngunit hindi tinanggap ng bata ang feeding bottle. Bagkus, mas umiyak pa ito.

'Danilo.' She whimpered as she picked him up, taking the baby in her arms. 'La la la...' She hummed another lullaby again. Ngunit hindi pa rin nito napatigil si Danilo.

'Hindi ko na alam.' Halos maiyak na si Kath habang mas lalong lumalakas ang iyak ni Danilo.

'TATAAA! TATAAAA!!!'

'Danilo, nanay 'to. Nanay.'

'TATAAAA!!! TAAAATAAAAA!!!!'

********

Hindi mapuknat mula sa bintana ng kwarto ni Kathryn ang paningin ni DJ. He stared as a dim light flickered and he's hoping against hope that he'll be able to get a glimpse of his wife and kid. Mula kasi nang ibalik niya si Danilo sa asawa may ilang gabi na ang nakaraan ay hindi na siya muli bumalik. Naisip kasi niyang pinapasama lamang niya ang loob ni Kathryn sa tuwing makikita siya. Kahit sa set ng teleserye ng asawa ay hindi na rin siya bumisita. Minabuti na lamang niyang sundin ang payo ng biyenan. Ang bigyan muna ng kahit konting sandali si Kathryn para makapag-isip.

Hindi na rin siya bumalik sa mansion nila sa Tagaytay. Natatakot siyang baka mapatay niya ang sarili kung makikita niya lahat ng alaala nila nina Kathryn at Danilo noong masaya pa silang namumuhay bilang isang pamilya.

Ngayon eto siya. May ilang gabi na yata nyang ginagawa iyon. Nakaugalian na niyang mag-bike papunta sa bahay ng mga Bernardo at magmasid sa labas. Kahit silip lang kay Kathryn at Danilo ay okay na sa kanya. Ngunit kung papalarin at makakapasok siya sa loob ay mas mainam. Mapangahas ang ginagawa niya. Maaaring anytime ay may mag-timbre sa mga guards na kapitbahay ng mga Bernardo na may paligid ligid na matangkad na lalaki sa bahay nina Kathryn.

Maswerte siya at wala.

Kung posible lang, marahil ay kanina pa nasunog ang kurtina sa bintana ng kwarto ni Kathryn dahil sa pagtitig nya. Lumiwanag ang mukha ni DJ nang mapansin ang isang aninong tila sumasayaw sayaw.

'May hele meme session na naman siguro ang mag-ina.' Nakangiting sabi ni DJ ngunit bakas din dito ang lungkot.

Magpepedal na sana palayo si DJ nang maramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Dinukot nya ito mula sa bulsa at halos magliwanag ang lahat ng nakapaligid sa kanya matapos makita kung sino ang tumatawag sa kanya.

********

'Inom ka anak.' Alok ni Rommel kay DJ.

Umiling si Daniel at ngumiti.

'Nangako po kasi akong hindi na ako iinom. Masama ho ang dulot sa akin nyan.' Bumuntong hininga sya pagkatapos.

Naupo si Rommel sa bench sa may veranda nila at ipinatong ang iniaalok na bote ng beer sa mesang nasa harap nila.

'E bakit nga ba napasugod ka na naman dito? May problema na naman ba DJ?'

'Umalis na ho ng bahay si Kathryn. Kasama si Danilo. Kanina, sinampal nya ako.' Malabong kwento ni Daniel sa ama.

'Ano? Di ko maintindihan, anak. Pakilinaw.'

Ilang luha ang itinangis ni DJ habang ikinukwento ang buong pangyayari sa ama. Nanatili lamang namang nakatingin kay DJ si Rommel, tahimik at pilit na iniintindi ang pangyayari.

'Lagi mo 'tong isaisip anak.' Pasimula ni Rommel matapos magkwento si DJ. 'May Danilo kayo. Huwag mong hayaang mabuhay si Danilo na katulad ng buhay na nakagisnan mo. Yung palipat lipat ng bahay, paroo't parito. Kung may bagay na sadya kong pinagsisisihan hanggang ngayon ay ang hindi ko pagharap sa mga naging problema namin ng Mama mo noon. Ayokong maramdaman mo ang naging bigat sa kalooban na naramdaman ko dati, DJ. At huwag mong hayaan sa sarili mong maramdaman mo yun.'

'Pa, galit sa akin si Kath.'

'Sino nga bang hindi magagalit DJ? Kahit ako nagagalit sayo. Sa ginawa mo. Nasobrahan ka ata sa libog anak.'

Muntik nang matawa si DJ sa salitang ginamit ng ama. Mabuti at napigilan nya.

'Kung kailangan mong magmakaawa, lumuhod, lumuha ng dugo para mapatawad ka ni Kath, gawin mo. Kung kailangang ligawan mo uli, sige lang. Hindi lang para sa inyo. May anak kayo. Hindi pa ganoong kamulat ang isip nya pero huwag nyong hintaying kaya na nyang magdesisyon para sa sarili nya saka nyo ayusin ang problema.'

Sinalubong ni DJ ang tingin ng kanyang ama. Tumango ito pagkaraka.

******

'DJ.'

Lumukso ang puso ni Daniel matapos marinig ang boses ni Kath sa kabilang linya.

'Hm?'

At naririnig nya sa background ang iyak ni Danilo. Right there and then, gusto nyang akyatin ang gate ng mga Bernardo para puntahan ang kanyang mag-ina.

'Pwede mo bang i-hele meme si Danilo?'

Ikinagulat ni DJ ang pakiusap ng asawa. Hindi agad sya nakapagsalita.

'Pero kung busy ka naman, ok lang. Sige, subukan ko na lang patahanin ng mag-isa.'

'Wait. 10 minutes, andyan na ako.'

'No.'

Halos madurog na naman ang puso ni DJ sa narinig.

'Pano ko ihe-hele meme si Danilo kung...'

'Naka-loudspeaker na. Kumanta ka na.'

Napabuntong hininga na lamang si DJ habang nakatingala sa bintana ni Kathryn. And then he started humming that one particular song he hummed the very first time he lulled Danilo to sleep.

At habang ginagawa nya iyon ay nakatitig pa rin siya sa bintanang may mumunting liwanag habang umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata.

*******

***AUTHOR'S NOTE***

Yung isang fanfic ko po, hindi po magkaka-connect yung mga stories dun ha? Kaya nga po tinawag na one shot. Wag ma-confuse. Kei?

Thanks.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon