CHAPTER 24: What Happens Next

30.2K 390 64
                                    


*********

'What took you so long?' Tanong ni Kath sa asawa nang makabalik ito.

'Ah, sumama din kasi ang tyan ko Ba e.' DJ lied. 'Si Danilo?'

'Are you okay?' Nag-aalalang tanong ni Kath bago dinama ang noo nito. 'Andun kay Mama si Danilo o.' Turo ni Kath sa ina na tuwang tuwang nilalaro ng pinsan niyang si Lhexine.

'Ok lang ako.' Ngiti ni DJ bago umakbay sa asawa at hinalikan ang sintido nito. 'I love you.'

Ginantihan ni Kath ng ngiti si DJ. She then tiptoed and gave his lips a peck.

'I love you too.' She whispered to him and then smiled again.

Napabuntong hininga na lamang si Karla habang pinapanood ang anak at manugang.

**********

Hindi alam ni Kathryn kung bakit pero tila naging sobra ang paglalambing ni DJ sa kanya. Kahit na nakauwi na sila sa bahay nila sa Tagaytay ay tila hindi pa rin ito mapigil kahahalik sa kanyang ulo, kakukurot sa kanyang bewang at kakaamoy sa kanyang buhok.

'DJ.' Kath called at him as he sniffed her hair.

'Hmmm?' He asked, eyes closed.

'Anong meron?'

Napamulat ng mata si DJ at napatingin kay Kath.

'Bakit?' Balik na tanong nito.

'Panay ang halik mo sa akin. Sumobra ata ang lambing mo? Anong meron?'

'Wala.' Iling nito bago itinuloy ang paghalik sa kanyang leeg.

'DJ, teka.' Pigil nya sa asawa dahil kasunod nila ang isa sa kanilang kasambahay na karga karga ang natutulog na si Danilo.

Hindi naman nagpatinag si DJ at muling hinapit nito ang bewang ni Kath at hinila nya ito ng mas malapit sa kanya.

'Sexy time.' He whispered huskily on her ear, his warm breath washing over her flesh.

'Lasing ka.' Marahang tulak ni Kathryn matapos maamoy ang alak sa hininga nito.

Marahil ay nakailang bote o shot ito kakagala sa mga tables ng mga kaibigan nung malapit ng matapos ang party.

'Nakainom lang.' He corrected her.

'Buti hindi ikaw ang nag-drive.' Malamig na sabi ni Kath dito. 'Baka napatay mo na kami kung ikaw.'

Isa marahil sa pinakaayaw ni Kath ang umiinom ito. Kahit kasi kaunting patak lamang ang lunukin ng asawa ay apektado na ang sistema nya. Mababa ang level ng alcohol tolerance ni DJ.

Kinuha ni Kath ang anak mula sa maid at binuhat ito papunta sa crib nito sa kanilang kwarto.

'Hindi ko na nabihisan.' She sighed as she watched Danilo's sleeping form.

'Ako na lang ang bihisan mo.' Pangungulit na naman ni DJ bago nito hinila ang braso ni Kathryn.

Naglakbay ang kamay ni DJ sa bewang ni Kath habang hinihila nya ito ng papalapit sa kanya.

'DJ. Di ako makahinga.' Reklamo ni Kathryn habang mas lalong pinipiga ni DJ ang bewang nya.

'Kiss mo ko.' Inilapit ni Daniel ang mukha sa asawang pilit namang nagpupumiglas mula sa kanyang pagkakayapos.

'DJ.' She extended her arm and tried to push his face away from hers.

Ngunit mapilit ang asawa. Pakiramdam ni Kath ay madudurog na yata ang mga buto nya sa tagiliran dahil sa tindi ng pagkakayakap sa kanya ni DJ.

'DJ!' Nilakasan ni Kath ang pagkatulak kay DJ at napabitiw naman ito sa kanya.

Hindi maipaliwanag ni Kath ang nakita sa mga mata ng asawa matapos sya muling tingnan nito.

'Hard to get.' DJ huffed as he advanced to her, grabbing her by the waist again. 'Yan talaga ang nagustuhan ko sa'yo e. Di ka easy.'

Nanlaki ang mga mata ni Kathryn nang biglang hawakan ni DJ ang kanyang mukha at hinalikan ito. Feeling nya ay madudurog ang mga panga nya sa higpit ng hawak ni DJ sa mukha nya at sa pagkadiin ng labi nito sa kanya.

He winced in pain, however as she bit him. Nabitiwan sya nito.

'Putang ina! Bakit mo ko kinagat?!' Reklamo niya as he raised a hand.

Napaurong ng ilang hakbang si Kath nang makita ang malaking kamay ni DJ na papalapit sa kanya. Nawalan sya ng panimbang at tumama ang pisngi nya sa poste ng kanilang kama matapos siyang mabuwal.

Tila nahimasmasan naman si DJ sa nakita.

'Kath?' Hahawakan sana nito ang balikat ng asawa para tulungang tumayo ngunit pinalis niya ang kamay nito at tumayo sya ng mag-isa habang sapo-sapo ang tumamang pisngi.

Walang sabi sabi ay kinuha ni Kathryn si Danilo mula sa crib at lumabas na silang mag-ina.

'Teka.' Pigil sa kanila ni DJ habang nakasunod ito sa kanyang mag-ina. 'Teka muna Kath. San kayo pupunta?'

Pinagbagsakan lamang ni Kathryn ng pinto ang asawa matapos nilang pumasok sa nursery ni Danilo.

********

Iminulat ni DJ ang mga mata at napansin niyang wala siya sa kwarto nilang mag-asawa. Nakahilata siya sa sahig sa harap ng pintuan ng nursery ng anak.

Kinusot nya ang mga mata at dali-daling tumayo. Agad na hinawakan ang doorknob ng pinto at napangiti sya nang mabuksan nya ito.

Agad ding nawala ang ngiti nya.

'Manang si Kath?' Tanong ni DJ sa kanilang tagapagluto.

'Ay, wala ho akong napansin.'

'Si Kath, kuya?' Tanong muli ni DJ sa hardinerong kapapasok pa lamang sa dirty kitchen para mag-almusal.

'Ho? Sumakay ho ng kotse kasama si Danilo.'

'Kanina pa?' Napahawak na lamang sa ulo si DJ.

'Parang alas-singko pa lamang ho iyon.'

Tiningnan ni DJ ang nakabukas na TV at nakitang pasado alas sais na.

'Aling kotse ang ginamit? May mga dala bang gamit?' Patuloy na tanong ni DJ habang palakad-lakad sa loob ng kusina at hawak hawak ang sumasakit na ulo.

'Wala ho dyan. Parang may dumaan lang sa labas. Si Malen, nakasunod sa kanila kanina, may dalang maleta.' Pagkkwento ng hardinero.

Agad na lumabas si DJ at tinungo ang maid nila na may pangalang Malen.

'San pumunta ang Ate Kathryn mo?' Tanong ni DJ sa kasambahay na 18 years old pa lamang.

Tila nabigla naman ang maid at napaigtad ito sa kinatatayuan nang marinig ang boses ng lalaking amo.

'Wa- wala hong sinabi.'

'Marami bang dalang gamit?'

'Isang maleta ho.'

Halata sa mata ng maid ang takot bungsod ng mga tanong ni DJ.

'Nakita mo ba kung sinong sumundo?'

'Hindi ko ho kilala. Pero kulay itim po yung kotse.'

Itim na kotse.

Tumakbo pabalik sa kwarto nila si DJ at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan.

*******

***AUTHOR'S NOTE***

Dahil gusto nyo ng update.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon