******Tila may mga malalaking dagang naghahabulan at hindi tumitigil sa loob ng dibdib ni DJ sa tindi ng kabang nararamdaman matapos matanggap ang text mula kay Gabby na isinugod si Kathryn sa malapit na ospital. Kulang na lamang ay mabaliw sya dahil wala man lamang itong binanggit kung ano ang dahilan. Andyan ang kagustuhan nyang tawagan si Gabby para lamang murahin at pilitin itong sabihin sa kanya kung bakit pero hindi naman ito sumasagot.
'PUTANG INA TALAGA!' Sa sobrang galit at frustration ay naibato na lamang nya sa dashboard ang cellphone which ended with a smash. 'Diyos ko, wag nyo pong pababayaan ang asawa ko.' Mangiyak ngiyak nyang dasal habang nakasubsob sa steering wheel ng kanyang kotse at hinihintay ang green light sa intersection na natigilan.
*********
Kulang na lamang yata ay lumipad mula sa parking lot ng ospital si DJ papunta sa Emergency Room na sinasabi ni Gabby na pinagdalhan sa kanyang asawa. Agad na nagdilim ang paningin nya ng makita sa may pintuan ang babaeng gusto nyang sisihin sa lahat ng nangyayari.
'Putang ina kang babae ka! Pag may masamang nangyari sa asawa ko, mapapatay kita talaga!'
Agad na bumakas sa mga mata ni Gabby ang takot. Nakaumang din ang isang kamao ni Daniel sa kanya at konti na lamang ay maaari nang mabasag ang mukha nya. Ngunit bago pa man ito makadampi sa kanyang pisngi ay napigil ito agad ng isang doktor at nurse na papalabas ng kwarto.
'Mr. Padilla.'
Halata ni DJ na pinakakalma lamang ng doktor ang sarili upang magbigay sa kanya ng lakas ng loob. Sa sobrang kaba ay walang salitang naiusal si Daniel.
'Maraming nawalang dugo sa asawa mo.' Nasagot naman nito ang tanong na hindi nabigkas ni DJ.
Napatingin naman si DJ kay Gabby na kasalukuyang nakadungaw sa maliit na bintana sa may pintuan at pilit na inaaninag kung ano ang nangyayari sa loob. Gabby's dress was soaked with his wife's blood. Gusto niyang pigain ang damit nito at ibalik sa asawa ang tutulong dugo mula dito.
'May kapit pa si baby. You should be thankful for that pero Kathryn badly needs a blood transfusion right now.'
'Safe ba yon Doc?' Sa wakas, nakahanap na rin sya ng lakas ng loob para magsalita.
'There will be some minor side effects. Pero we have to be ready din for major ones.'
'Tulad ho ng?'
'If her blood pressure will drop, it can be life threatening.'
Nagpanting ang tenga ni DJ sa narinig. Parang nage-echo sa pandinig nya ang salitang 'life threatening'. Sa ordinaryong araw, alam nya agad ang ibig sabihin noon. But that day isn't an ordinary one. Nahihirapan syang i-process sa utak nya kung ano ang nangyayari at maaaring mangyari pa.
'Pero as I look at Kathryn and your baby, they're both fighters. I'm positive they could make it both.'
Napapikit si DJ sa narinig. What are the odds na maging widower sya at the age of 22? Gusto nyang itanong bakit nangyayari ang lahat. Ano nga bang purpose? Sa huli, napatango na lang din sya.
'Basta iligtas nyo po sila pareho Doc. Kung hindi po kaya, patayin nyo na rin po ako.' Gulong gulo ang utak na sabi nya.
'We'll do our very best Mr. Padilla. If you can just come with me sa office, I just need you to sign a waiver.'
*********
Naka- slow mo lahat ng nangyayari sa paningin ni Daniel. Nasa loob sya ng Emergency Room, naka-scrubs, face mask, pinapanood ang mga nurse at ilang doctor habang ginagawa ang lahat para kay Kathryn na tila isang robot dahil sa mga tubes na nakasaksak sa katawan nito.
'Blood pressure: 90 over 70.' Sabi ng isang nurse.
'Pulse rate: 50 bpm.' Sabi naman ng isa.
'80 over 60.'
'70 over 50.'
'40 bpm.'
'60 over 40.'
Parang sasabog na ang ulo ni Daniel sa lahat ng nakikita at naririnig.
'Intervene the transfusion. Prepare epinephrine. Defibrillator, ready.' The doctor commanded.
Kulang na lamang ay yakapin ni Daniel ang asawa habang nakikita nyang tila umangat ang dibdib nito mula sa kama.
'1 mg of epinephrine ready.'
'Defibrillator on go.'
'Pulse rate 30 bpm.'
'We're losing them.'
'Clear.'
Parang siya ang nakukuryente sa bawat dampi ng dalawang tila plantsang idinidikit sa dibdib ni Kathryn. Patakbo nyang nilapitan ang asawa at bago pa man nya nahawakan ang kamay nito ay narinig na nya ang isang matining na tunog na nagmumula sa monitor na kanina lamang ay may nagwawalang mga linya.
***********
Agad na nagmulat ng mata si DJ at tila ilang segundo pa ang kinailangan bago nya napagtantong panaginip lamang ang lahat. Kasalukuyan syang nasa kwarto ni Kathryn, may swero sa kanang braso at mahimbing na natutulog. Nasalinan na ito ng dugo pero under observation pa rin ito within 72 hours. Walang ibang ginawa si Daniel kundi maupo sa tabi ni Kathryn o kung hindi man ay bumisita sa chapel ng ospital. Hindi pa rin niya alam ang buong pangyayari at ayaw nyang mapakinggan ang side ni Gabby. Natatakot syang baka mapatay nya pa ito kung sakali.
Finally, he saw how Kathryn stirred from her sleep. Hinawakan nya ng mabuti ang kamay nito at pinisil. Relief instantly washed over him as he saw her slowly opening her eyes.
'DJ.' She called him weakly, her voice hoarse.
'Hmmm?' Inilapit ni Daniel ang mukha sa asawa at hinalikan ang noo nito.
'Nauuhaw ako.' She smiled beautifully before she closes her eyes again.
*********
***AUTHOR'S NOTE***
I can totally imagine you cringing over that emergency room scene. Sorry for the inconsistencies. Nag- research naman ako pero parang fail. Hahaha!
😅