*********'Sure kang ayaw nyo sumama ni Danilo?' Kath asked DJ as she looked at him from the mirror of her dresser.
Umiling lamang si DJ habang nakasandal ito sa hamba ng pinto ng kanilang CR.
'Kath...' Lumapit si DJ sa asawa at humila ng isang upuan. Humarap sya dito at kinuha ang mga kamay niya. 'Nagpunta ako kahapon kay Mr. M.' He told her with all honesty.
'Why?' Kath asked, worried. Hinawakan nya ang pisngi ni DJ at hinaplos ito.
'Tinanong ko kung anong plano nya sayo.' Paliwanag nito. 'Dahil kahit saang anggulo ko tingnan, hindi talaga kaya ng pagkatao kong makita ang babaeng pinakamamahal ko na nakikipaglampungan sa ibang lalaki sa TV.'
'J...' Malambing na sabi ni Kath.
Hindi makatingin sa kanya ng diretso ang asawa.
'Babe, look at me.' She added, cupping his face. 'Yung gagawin ko, trabaho lang yon. Please babe, trust me with this. Please?'
Nanatiling nakatingin kay Kathryn si DJ.
'Mahal na mahal kasi kita.' DJ pouted. 'Wala pa man, nagseselos na ako agad kay Papa P.'
Napatawa si Kathryn.
'Dun ka pa talaga magseselos ha?' Kath winked. 'Crush ko yon pero alam mo naman diba?' And she winked again.
Napatawa na rin si DJ.
'Pucha. Bakit kaya hindi kita matiis?' Tanong ni DJ na nakatawa bago hinapit ang ulo ni Kathryn. Hinalikan nya ito pagkatapos.
'In case nakalimutan mo na, asawa mo po ako at ina ng anak mo kaya hindi mo ko matiis.' Ngiti din ni Kathryn bago masuyong hinalikan ang labi ng asawa. 'Thanks DJ. I love you.' Sabi niyang muli bago hinalikan muli ito.
'Ba?' Malambing na tawag ni DJ matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.
'Yes babe?'
'Pwede mag-request?'
'Hhmm?'
'Wag kang magpo-pose sa FHM ha?'
Napahalakhak si Kathryn sa narinig.
'Sa Maxim, pwede?' Tila nang-iinis na sabi nito.
'Sige, pwede pero ako mamimili ng isusuot at theme. Filipiniana. Sa Nayong Pilipino ang location. Naka-patadyong ka.'
Lalo lamang napahalakhak si Kathryn.
'Ba naman e. Seryoso nga.' DJ pouted.
'Tingin mo talaga magpo-pose ako sa ganon?'
'Mabuti nang nauunahan na kitang sabihan kesa naman magdesisyon ka na naman na di kino-consult sa akin.' Tila may bahid ng tampo ang huling sinabi na yon ni DJ.
'Hindi nga. Seryoso din. Peksman!'
'Good. Lalaki kasi ako Kath, kaya alam ko ang mga ginagawa ng mga bumibili ng ganon.'
'Katulad ng?'
'Nilalagay nila sa ilalim ng unan tapos kinukuha nila sa madaling araw tapos...'
'Tapos?'
'Pa-inosente ka pa ha!'
'E hindi ko nga alam.' Kath sighed.
'They're jerking while looking at it. Okay na?' Sabi ni DJ na tila nahihiya.
'Baket alam mo? Kaninong cover ng FHM ka nag-jerk?' Sunod sunod na tanong ni Kath.
'Knwento lang saken nina Seth! Wag ka nga. Di ako bumibili ng ganon no!'