CHAPTER 14: The Other Man

39.5K 439 37
                                    

********

Natigil ang pagmumuni-muni ni Kathryn matapos makarinig ng mga katok sa pinto ng kanilang CR.

'Ba?' Tawag ni DJ habang kumakatok ito.

Muling binuksan ni Kathryn ang medicine cabinet at ibinalik doon ang kanina pang hawak na contraceptive pills. Inayos nya rin ang sarili bago pinagbuksan ang asawa.

'Hi!' She opened the door with a smile.

'Ok ka lang?' Nakakunot ang noong tanong ni DJ habang nakatitig sa kanya.

'Oo naman!' Sagot ni Kath. 'Bakit mo ko hinahanap? Nasan si Danilo?'

'Nasa baba. Kasama sila Mama.'

Tumango muna si Kath bago tumungo sa kanilang walk-in closet. Nanatiling nakasunod sa kanya si DJ.

'What?' Kathryn asked, smiling.

'Is there something wrong?'

'Ano ba? Wala no. Shower muna ako.' Kumuha si Kathryn ng bathrobe at tuwalya saka dumirecho sa banyo.

********

'Schedule mo ngayon?' Tanong ni DJ kay Kathryn habang inihahanda ng huli ang kanyang baon na usual na nyang dinadala para sa taping.

'Workshop.' She answered nonchalantly, fastening the cover of the cooler na punong puno ng fruits at iba pang paborito ng asawa.

'Workshop? Seryoso yan?' Nakaumis na tanong ni DJ. 'Galing galing mo na umarte e.'

'Sensuality and proximity workshop daw e.'

Natigilan si DJ matapos marinig ang salitang 'sensuality'.

'Anong usual na ginagawa don?' Tanong nito.

'Hindi ko rin alam.' Kathryn shrugged her shoulders. 'First time kong a-attend. Also, ipapakilala din daw yung isa ko pang leading man.'

Tumango lamang si DJ. Kinuha nito ang kamay ni Kath pagkatapos.

'I love you.' Paglalambing nito bago masuyong hinalikan ang labi ng asawa.

'Mahal din kita.' She smiled.

Dinampot na ni DJ ang cooler tsaka naglakad palabas habang hawak pa rin nya ang kamay ni Kathryn. Pinagbuksan siya ng kanyang driver ng kanyang van tsaka muling hinalikan ang noo ng asawa bago ito sumakay.

'Ingat sa pagddrive Mang Romeo.' Paalala ni Kath sa driver ni DJ.

*******

Maagang dumating sa ABS si Kath para sa workshop. Nadatnan na nya na nakaupo sa loob ng studio si Piolo. Tila nahihiya syang nilapitan ito.

'Hi Kath!' Bati sa kanya nito.

Ikinagulat nya ang pagyakap sa kanya ng leading man nya.

'Hello.' Sabi nya once she recovered.

'Di ka hinatid ni Daniel?' Humila ito ng isang monobloc at inilagay sa tabi ng inuupuan nya kanina. 'Upo ka o.'

Umiling si Kath at naupo na.

Maya maya pa ay pumasok na ang isa pang aktor na pamilyar na pamilyar si Kathryn. Bakit nga ba hindi? E kabarkada ito ng asawa nya.

'Dom?' Nakakunot ang noong tanong ni Kath sa bagong dating.

Napangisi lamang si Dominic.

'Don't tell me?'

'Ah!' Saktong pasok naman ng direktor nila na si Joel Lamangan. 'Kumpleto na tayo! Pwede na nating simulan.'

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon