CHAPTER 6: Baby's Day Out

49.1K 499 28
                                    


*************

Katatapos lang ng pictorial nina Kathryn at Danilo para sa kanilang endorsement kung saan magkasama silang mag-ina. Na-shoot na rin ang naturang TVC at naka-set na iyong mag-air 2 weeks after.

'Bye Kath! Bye Baby Danilo!' Kaway ng mga staff sa mag-ina habang pasakay na sila sa pulang Ford ni DJ.

Inilalagay naman ni DJ ang mga gamit ng mag-ina sa bandang likod samantalang inaayos naman ni Min ang pagkalagay kay Danilo sa infant seat nito.

'Oh, dahan dahan anak.' Sabi ni Min kay Kath habang sinisigurado nitong hindi mahuhulog si Danilo kung sakaling mag-preno si DJ.

'Ok na tayo?' Tanong ni DJ kay Kathryn.

'Wait lang babe.'

Umikot si DJ papunta kay Kath at tinulungan na siya sa kanyang ginagawa.

'Ganito kasi.' Sabi nito. 'Danilo, wait lang ha. Si Tatay na lang. Mukhang nahihirapan si Nanay e.' He smiled and their baby smiled back.

Inalis ni Kath ang kamay at hinayaan na lamang ang asawa. Nakamasid lamang si Min at halatang inoobserbahan kung tama nga ang ginagawa ni DJ. Napangiti siya.

'Ang galing ni DJ a!' She complimented her son-in-law. 'Wala ka bunso.'

Kath pouted and opened the door of the passenger seat. Padabog siyang pumasok at umupo, her arms folded above her chest. Sumunod si DJ at napakunot na lamang ang noo nito after seeing how Kath looked like.

'Ano yan?' He tried to joke by asking Kath with a grin.

'Wala.' She answered straightforwardly.

*************

Naunang dumating si DJ sa studio ng ASAP kung saan ila-launch as new endorser of a diaper brand ang kanyang mag-ina. Susunod na lamang daw sina Kathryn at Danilo dahil baka hindi kayanin ng kanilang 7 month old na baby ang masyadong tagal ng paghihintay kung sasabay pa sila kay DJ na magre-rehearse pa for the opening number.

'O, san ang mag-ina mo?' Tanong ni Robi matapos makitang papasok si DJ at nakasunod sa kanya ang kanyang Tito Dho.

'Nasa bahay pa. Di pwedeng sumabay sa akin. Baka mainip masyado si Danilo.' Sagot nito.

Tumango tango lamang si Robi. Nagtungo sila sa dressing room upang makihalubilo sa iba pa nilang kasamang artista.

'Asan sina Kath?'

'Si baby nyo?'

'Bakit ikaw lang?'

Ganun ang mga tanong na narinig ni DJ mula sa lahat ng taong nakakakita sa kanya. Iisa lang din naman ang sagot niya. Yung katulad din ng naisagot nya kay Robi.

'Padilla! Ninang ako sa binyag ha?' Julia draped a hand over DJ's shoulder and said.

'Uy DJ, ako rin!' Si Miles naman ang lumapit at nagsabi.

'Pwede ba ako rin?' Vina Morales overheard and smiled.

'Ninang Vina, ninang ko na nga kayo diba?' DJ laughingly said.

'Hindi ba pwede yun?' Vina asked.

'E kung pwede po naman, bakit hindi diba?' DJ cajoled.

'Kelan ba ang binyag?' Tanong ni Zia.

'Next month Ate Zi. Gusto mo ring maging ninang?'

'Suuureee... Gusto ko na makita in person yung baby nyo. Puro pics kasi ang nakikita ko e.'

'Ay, mamaya po, andito sila ni Kath.' DJ told his distant relative.

'Ah, yes! Launching nung commercial nila diba?' Zsa Zsa interfered.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon