*********Kath turned to her left, to her right, checking her body in front of the mirror with bloodshot eyes. Kanina pa sya umiiyak mula nang nakauwi from the location kung saan nagshu-shoot si DJ. Itinali nyang muli ang ribbon ng bathrobe at muling pinahid ang luhang kapapatak pa lamang.
'Ang pangit mo na kasi. Ang laki pa ng tyan.' Kath murmured, a hand on her slightly protruded belly.
Kung titingnan, hindi pa naman ganoon kalaki ang tyan nya. Also, the cuts of her toned abs are still slightly visible amidst being 4 months pregnant.
'Naghahanap na ng iba si DJ.' She sniffed. 'Yung mas maganda. Yung mas sexy.' Muli syang suminghot.
Napaupo sya habang bumabalik sa isip nya ang nangyari some few hours ago.
***FLASHBACK***
'Surprise!' She beamed upon hearing DJ's chuckles advancing to where they were.
Muntik nang napaupo sa monobloc sa likod nya si Kathryn nang nakita ang leading lady ng asawa. At kung hindi sya nagkakamali, base sa photographic memory nya, kamiseta ni DJ ang suot ng hitad. Oo. Hindi sya nagkakamali. Ilang beses na rin nya naisuot yun.
Bago pa man nya naibukas ang bibig bago magsalita, naunahan na sya ng babaeng higad.
'Kaaath!' She said excitedly. Pa- FC lang. And to disgust her even more, nagbeso pa ito sa kanya. 'Grabe, it's been a while.'
Kath smiled awkwardly. Lumapit sa kanya si DJ at hinalikan sya sa sintido.
'Anong ginagawa mo dito?' Tanong nito na halos di makapaniwala.
'Kasama ko si Danilo. Just in case hindi mo napapansin.' She said coldly, her eyes shooting daggers to the shirt the other girl inside the room is wearing, making it obvious for DJ to notice. 'Ano ang ginagawa ng t-shirt mo sa katawan nya?' She hissed at him.
'I'll explain later pag-uwi ko sa bahay ha? Wag dito Kath.' He replied. 'Para sa akin ba yan?' DJ asked, referring to the cooler and the tray of lasagna na nasa ibabaw ng table.
'Tatay!' Danilo called jovially, reaching for him.
'Danilo!' Tuwang tuwang inabot naman ni DJ ang anak mula kay Ganda.
'Oh my gosh! Ikaw na ikaw nga, DJ!' Gabby exclaimed which made Kathryn snap back to reality. She forced a smile and sat down.
'Ok ka lang?' Gabby checked on her. 'Ilang months na nga uli?'
Tumango si Kathryn at ngumiti.
'Medyo mainit dito sa tent mo, babe. Magpapahangin lang ako sa labas. Kausapin ko si Kuya Dho.' And she returned her attention to Gabby before she left. 'Four months.' She told her proudly.
***END OF FLASHBACK***
Mag-aalauna na ng madaling araw nang nakauwi si DJ. He carefully turned the switch of the lampshade beside their bed. Ikinataka nya na hindi nadatnan ang asawa doon. Maging ang kanilang panganay ay wala sa kanyang crib.
Tila may ilang dagang naghabulan sa kanyang dibdib. Alam nyang galit ito dahil mula nung umalis si Kath sa location kung saan sila nagshu-shoot ay hindi na nagreply sa mga text nya ang asawa. Maging ang tawag nya dito ay hindi rin niya sinasagot. Agad na tumagaktak ang malamig na pawis mula sa kanyang noo pababa sa kanyang panga.
'Tang ina.' DJ murmured as he turned the light switch on. 'Shit Kathryn.' Iginala ni DJ ang paningin sa paligid at patakbong pinuntahan ang walk- in closet. Mas lalo syang kinabahan nang matuklasan nyang naka-lock iyon.
'Kathryn...' Mangiyak ngiyak na si DJ habang puwersahang iniikot ang lock ng pintuan. 'Sabi ko naman mag-uusap tayo diba. Mage-explain naman ako e.' Pinahid nya ang mga mata at marahas na tinadyakan ang pintuan.