CHAPTER 16: Questions. Answers.

40.5K 505 81
                                    


******

'Diba sabi mo, matatagalan pa bago ka bumalik sa pagteteleserye?' Tanong ni Vice.

'Nangailangan e.' Natatawang sagot ni Kathryn.

Natawa rin si Vice at ang audience.

'Wala nang pang-gatas at pang-diaper si Danilo, ganon?' Tanong ng host.

'Parang ganon na nga.' Nakatawang biro ni Kathryn.

'E yung kita ni DJ? San napupunta?'

'1/3, sa bahay. Yung pina- rennovate. 1/3 sa Trust Fund para kay Danilo, tapos 1/3 sa savings namin.' Tila seryosong pahayag nya.

'Alam mo, maniniwala na ako. Totoo ba yan?'

'Medyo.' Kath teases Vice.

'Hoy ano ba Kathryn?! Hawang hawa ka na talaga sa asawa mo sa kalokohan ha! Nakakaloka kayo!'

Humalakhak lamang si Kath. The camera panned to a smiling DJ na buhat buhat pa rin si Danilo.

'Pero sino ang nagbu-budget sa inyo? Diba, lumipat na kayo dun sa bago nyong bahay? Bumukod na kayo from sa bahay nina Karla?' Usisa ni Vice.

'Oo. Siguro malapit na ring mag1 month since lumipat kami. Si DJ ang nagbu-budget. Lahat ng expenses, siya.' Seryosong sagot naman ni Kathryn.

'Ay talaga? Totoo na yan? Walang halong pambabalaj yan?'

'Wala.' Iling ni Kath. 'Aminado naman kasi ako na talagang between the two of us, sya yung mas marami talagang alam pagdating sa 'totoong buhay'. Sya yung mature mag-isip, sya yung mas responsable, though gradually naman, natututo na rin ako. Nung first few days na bagong panganak ko kay Danilo, sa kanya ko talaga nalaman lahat. Kung paano paliguan, kung paano hawakan ang baby, sobra. As in hands down, alam talaga nya.' Nangingiting kwento ni Kath. 'Kaya talaga I'm very thankful na siya talaga yung naging asawa ko, naging father ni Danilo kasi more than a husband and a father, he really was my bestfriend. Kaya siguro, iba rin yung nabuong foundation nung relationship namin.'

Tila napanganga naman sa pakikinig si Vice.

'Masyado ka namang sumeryoso, Kath. Akala ko, The Bottomline na yung bagong title ng GGV.' Pabirong sabi ni Vice habang pasimpleng pinapahid ang luha na namuo sa sulok ng mga mata niya.

'Umiiyak ka?' Nakatawang tanong ni Kath.

'E kasi naman...' Suminghot si Vice. 'Pahingi nga ng tissue!' He turned to the crew sa side ng studio.

Iniabot ni Neggy ang isang box ng Kleenex kay Vice at bumunot ito ng ilang sheets. He gently dabbed at his eyes.

'Bakit ka naiyak?' Tanong muli ni Kath.

'Hindi, kasi I'm so proud talaga dito kay DJ. Sabi ko nga before diba? After ni Karla, ako na yung second na proud sa kanya.'

'Pwes, third ka na lang ngayon kasi ako na ang second.' Kathryn joked.

'Ok lang. Tama naman.' Vice conceded. 'So siya talaga ang nagbu-budget ng gastos?'

Tumango si Kathryn.

'Sya talaga. Halimbawa, eto, for this month, eto yung ilalagay natin sa bank. This amount naman will go for Danilo, tapos eto yung gastos sa bahay, sa groceries, sa salary nung maids, drivers, sa bills, etc. As in naka-divide sya talaga.'

'Ay, meron daw kayong tinatawag na Emergency Fund? Para saan naman yon?'

Natawa si Kathryn once she heard Emergency Fund. Tumingin muna siya kay DJ bago sumagot.

'Bakit kelangan mong tumingin kay DJ bago sumagot?' Pansin ni Vice.

'Hindi ko kasi alam kung pwedeng sabihin.'

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon