- Chapter 2 -

182 61 1
                                    

Chapter 2
Get into a Fight

Valerie's Point of View

Hila ako ngayon ni Rohan at dinala sa labas nitong room. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya.

Feeling close ang isang 'to. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Ba't ba?"

His gaze burned into mine. "Are you out of your mind? Why did you accept that bet? Hindi mo alam ang pinapasok mo," he firmly said.

"Why do you care? You don't know what I can do."

Napabuntong-hininga siya at napapikit. He's trying his best not to shout.

"This is not an ordinary fight. You might get injured, or worse you'll die if you don't know how to fight," he snapped. His words left me speechless.

'Di ka OA, patay agad?

Mukhang nahalata niya ata 'yong tumatakbo sa isip ko kaya tumikhim siya at umiwas.

"Well hindi naman mamamatay, but some transferee backed out because natatakot sila and when I say back out, lumipat nang ibang school. May muntik na ngang mamatay, that's why walang nag-transfer dito last year. Ikaw pa lang ngayong year," pahina ng pahina ang boses niya.

Oh really? Nakapagtataka naman.

Natawa ako. "That's cool."

Gano'n pala ang nangyayari rito, sira-ulong Alonso 'yon. Pinapatakbo niya ang school na 'to pero hindi niya matutukan ang mga estudyante. Masapak nga 'yon.

"What do you mean cool?! It's dangerous, babae ka pa naman. Sasabihin ko sa kaniya na ayaw mo siyang kalabanin."

Papasok na siya nang hawakan ko ang balikat niya, he looked at me. I sighed heavily.

Ano ba ang kinakatakot niya? Mukhang magkaibigan sila nang Luke na 'yon, baka isa rin siya sa kanila at nagpapanggap lang na mabait.

I eyed him warily. "I don't know if palabas mo lang ito o talagang concern ka lang. Let me fight him first, if he can beat me, I'll surrender," sabi ko. "But if he can't then, game over."

"Are you crazy? Ba't ba ayaw mong makinig?"

"It's just a fight Rohan, nothing's crazy about it."

Tinapik ko ang balikat niya at sumunod na kay Luke na nasa gitna nang field at naghihintay sa'kin mula pa kanina.

Nakapalibot ang ibang estudyante sa amin. Nakatutok at nagbubulungan sa susunod naming gagawin. Tumigil ako, ilang dipa lang ang layo sa kaniya. Nakipagtitigan lang siya habang nakangisi. His eyes sharpening.

Hindi sa nagmamayabang ako pero maraming martial arts na ang itinuro sa akin ni Pops.

Kahit sumusuko na ako he is always encouraging me not to. Kasi wala kang mararating kung susuko ka na lang. Dapat marunong kang tumayo at lumaban. Napaisip ako sandali.

Should I do this or not?

I told myself not to involve in stuffs like this before Pops died. Ayokong ma-disappoint na naman siya sa'kin. Simula kasi nang pumanaw si Pops ay para na akong sanggano, nakakalat sa daan at may dalang beer. Kung may lumalapit nasusuntok ko nang hindi sinasadya. Sumasali sa rambol, sa mga gang war sa lugar namin, riots at sparring, but I stopped 6 months ago. Kaya kanina pa kumakati 'tong kamao ko.

That Girl Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon