- Chapter 40 -

63 22 0
                                    

Chapter 40
Bear It

Valerie's Point of View

Makalipas ang ilang araw ay bumalik na ang lahat sa dati. Alonso lifted the suspension kaya this week na ang exam week namin.

"Kamusta na kaya si Marquez?" pabulong na tanong ni Bricks sa'kin.

Kasama ko siya ngayon at si Riogo. Nakasalubong ko silang dalawa malapit sa building namin.

"Gising na siya. Mabuti na rin ang kalagayan niya nang pumunta ako ro'n kahapon," sagot ko.

She's still the same, maarte at masungit.

Akala mo kung sino.

Anyway, she's gotten a lot better nang huli kong siyang nakita. And when we talked, she admitted everything. She even apologized for what she did. At nang ibalita ko sa kaniya na nakulong na si Georgee, para siyang nabunutan ng tinik kasi wala ng magtatangka sa buhay nila ng mga kaibigan niya.

"Eh paano na 'yan? Ma e-expell ba sila ng mga kaibigan niya?" ani ni Rio.

Bricks shrugged while I remained silent. Truth be told, Alonso and I discussed it. Today, he's inviting Natasha's parents, as well as Elisia's and Jane's. Sasabihin niya ang magiging desisyon niya.

Hindi na kami muling nag-usap nang makarating sa classroom. Everyone is there. Maliban lang kay Georgee, Natasha at sa dalawang kaibigan niya.

Napako ang atensyon ko sa upuan ni D'Mitri na nasa harap ko. My shoulders suddenly sagged. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong nakaramdam ng panghihinayang nang matanto na wala siya ro'n.

Nasa'n na kaya siya?

Napailing ako sa naisip.

Bakit ko naman hahanapin ang matandang 'yon?!

Pagkarating sa upuan ko ay napansin ko ang pagtitig sa akin ni Rohan. Salubong ang kilay nito, pero hindi mawala ang ngisi niya. Yumuko na lang ako at binaliwala iyon.

Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang magkadugo kami?

"Good morning students. Take a seat everyone, we will start our first exam this morning. Siguro naman ay nakapag-review kayong lahat?" sabi ni Ma'am Maisie.

"Yes Ma'am," sagot ng iba.

"Paano na 'to!?" Taka akong napatingin kay Bricks. "P're pakopyahin mo 'ko mamaya ha? Baka hindi ako makasagot, hindi ako nakapag-review ng maayos doon sa poem ni Shakespeare eh, 'yong Sonnet 18 at All the World's a Stage. Nalaman ko na lang kasi na 'yong libro ko sinunog pala ni Lolo," mangiyak-ngiyak niyang sabi, kumikibot pa ang labi nito.

"Ha?" gulat kong sabi. Para akong matatawa na ewan. "Bakit niya naman sinunog?"

"Akala niya kasi hindi ko na ginagamit, kaya 'yon! Tsk."

"Pft. Na-discuss na 'yan ni Ma'am Maisie last week saka sa recitation nga ay ang dami mong nasagot doon. Hindi mo na kailangang mangopya. Matalino ka na."

That Girl Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon