- Chapter 39 -

72 23 1
                                    

Chapter 39
Close to You

Kaba.

Ito agad ang naramdaman ko nang papalabas na kami sa bahay, ngunit wala na kaming naabutan nang makarating sa kalsada. Luminga-linga ako sa paligid, pero wala akong nakitang kahit anong anino ni D'Mitri. Sumama rin sa'min ang buong section 10 nang marinig nila ang sinabi ni Kris.

Badtrip. Nasaan na ba ang lalaking 'yon!? Bakit kasi hindi agad siya bumalik kanina? Kung saan-saan kasi sumusuot!

Hindi ako mapakali. Pinagpapawisan na rin ang parehong kamay ko. Nag-aalala ako ng konting konti para sa kaniya. Baka kung napano na siya dahil nag-iisa lang siya.

"Saan mo sila nakita Kris?" kabadong tanong ko rito.

"Dito lang. As in dito sa kinatatayuan na'tin ngayon. Ang dami nga nila," sabi niya.

"Eh nasaan na sila?" nagtatakang tanong ni Onil.

"At your 9 o'clock," sabi ni Julien, isa sa mga weird kong kaklase.

Agad kaming napatingin sa kaliwa namin.

Oh sh't.

"Big sis," nasabi ni Steel na nasa tabi ko ngayon.

Unti-unting lumabas mula sa madilim na bahagi ng kalsada ang nasa tatlumpung kalalakihan. Lahat sila ay nakaitim na damit at pantalon. May mga hawak din silang tabla ng kahoy, tubo, at mga kutsilyo.

Anak ng tupa naman oh!

Nahagip ng mata ko ang lalaking nasa gitna. Kulay silver ang buhok nito at may malaking peklat sa kaliwang bahagi ng mukha niya. Napapaligiran din siya ng mas malalaking lalaki.

"Nako. Naabala ko ba ang pagdiriwang ninyo?" basag niya sa katahimikan.

"Bakit kayo nandito Alec? Nasaan na ang lalaking binubugbog niyo kanina? Saan niyo siya dinala?" buong tapang na tanong ni Kris.

Alec ba kamo?

Pamilyar siya sa'kin.

"Ginulo kami niyan noon big sis," sabi ni Steel.

I glanced at him. "Ano!? Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan, ha?" inis kong wika.

Hindi siya makatingin sa'kin. "Eh kasi hindi na rin naman 'yon naulit kaya kinalimutan na namin."

Napasinghal ako. "P'wes ako? Hindi ko kailanman makakalimutan 'yan. Humanda siya sa'kin. Gugulpihin ko talaga siya."

"Eh! Nakabawi na rin kami d'yan kaya hayaan mo na."

Hindi ko siya pinansin. Napatitig akong muli ro'n sa lalaki. May nginunguya na siya ngayong chewing gum, ngunit agad niya rin itong dinura malapit sa kaniya.

Siya nga 'yan, walang duda.

Nang taong nagkaroon ng labanan sa pagitan ng Exodus at ni Hunter, bumuo siya ng sarili niyang gang, ang Crimson Hunters. Isa si Alec sa mga tumulong sa kaniyang buuin iyon. Isang beses lamang kaming nagkita niyan at hindi pa maganda ang kinalabasan.

That Girl Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon