- Chapter 37 -

66 24 1
                                    

Chapter 37
Chances

Valerie's Point of View

Pagkatapos akong ihatid ni D'Mitri ay sinalubong agad ako ni Alonso mula sa loob.

"Bakit ginabi ka na? I've been waiting for you Val. Saan ka ba kasi nagpupupunta?" medyo inis ng tanong ni Alonso at sumabay sa'kin sa paglalakad patungo sa kusina.

"Stop acting like Pops, Alonso," reklamo ko. "Pinuntahan ko lang si Emmanuel, okay?"

Kumuha ako ng tinapay saka keso sa refrigerator at pinatong sa pinggan sa kitchen counter. Binunot ko ang kutsilyo na nasa kutsilyero.

"Did you payed for his hospital bills?"

Matagal akong napatitig sa pader bago magsalita. "It's the least I can do. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi nang ipahayag niyang may kinalaman si Storm sa nangyari sa kapatid niya–"

"You do know that your brother would never do that."

Binaba ko ang kutsilyo at bumuntong-hininga. "Alam ko naman 'yon. I just paid it because I felt sorry for the kid."

They remind me of myself before I met Pops. It must be hard for them, having no parents growing up. You only have yourself, no one else is there to help. Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman nila. But what I don't understand is Georgee killing those people just for money. We all have a choice, and he had the choice to do the right thing, to get a proper job instead of being a hired murderer.

But it's not my decision to make. Wala na akong magagawa dahil pinili niya na ang landas na 'yon.

"Big sis."

Napalingon ako sa kaniya. Kasunod niya sina Steel at Stone na humihikab pa. Napailing na lamang ako.

"Sandali lang," sabi ko.

Hiniwa ko ang cheese at nilagay iyon sa pagitan ng dalawang tinapay.

Sa wakas makakakain na rin, kanina pa kumukulo ang sikmura ko.

Kinain ko ang isa at gumawa ulit ng panibago. Paborito ko ito kahit noon pa.

"Gutom na gutom ah," parinig ni Alonso sa tabi ko.

"Bakit? May problema ka?"

"Ikaw, baka may problema ka."

"Tsk. Tumahimik ka nga. Tabi d'yan." Nilampasan ko siya at binalingan ang triplets. "Tara ro'n sa sala."

Nang tuluyang makaupo ay naubos ko na ang kinakain. Walang nagsalita ni isa sa kanila. Umupo sa tabi ko si Alonso.

"Now where were we?" Basag ko sa katahimikan tsaka tiningnan si Storm na nakayuko pa rin hanggang ngayon. "Kilala mo ba ang kapatid ni Georgee Rosales?"

Tumikhim siya bago magsalita. "I can't remember encountering that guy."

Binuksan ko ang phone ko at hinarap sa kaniya ang litrato ni Emmanuel.

"Now. Do you recognize him?"

His eyes squinted as he look at the picture. Pero agad siyang lumayo at gulat na tiningnan ako.

"Bro," ani ni Steel, siniko pa ang kapatid. Nangunot ang noo ko.

"I know him," Storm whispered and cleared his throat.  Napunta sa kaniya ang atensyon namin. "When we were in Anexebia, four months ago, there was a group of guys attacking someone at the place where we went."

That Girl Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon