- Chapter 11 -

101 53 0
                                    

Chapter 11
Ambushed

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. "Ikaw daw ang nambugbog sa tropa namin. Sinungaling ata 'yang si Joshua ah. Tingnan mo nga ang katawan oh, parang walis tingting!" panglalait ng lalaking nasa unahan. Tinawanan nila ako.

Sira-ulo 'to ah! Hindi ako sobrang payat 'no.

I gritted my teeth. "Eh kung sapakin kaya kita gaya ng ginawa ko sa tropa mo?" hamon ko.

He smirked. Nakita kong umiling ito. "Tila napakayabang mo rin, kaya ka napapasali sa gulo dahil d'yan sa kayabangan mo."

"Hindi ko na problema 'yon. Pwede ba, tigilan niyo ko kasi wala akong panahon. Kaya umalis na kayo, mga kutong-lupa," binulong ko ang huling sinabi.

Pero mukhang narinig niya dahil namula ito sa galit at tiim bagang akong dinuro.

"Tarandato ka ah. Patumbahin niyo na nga!" he shouted.

Sa isang iglap ay inatake nila ako. Agad kong naiharang ang kanang kamay ko. Tinadyakan ko ng malakas ang lalaki sa lalamunan, napaupo siya. Sunod kong sinipa sa sikmura ang isa at siniko ang tagiliran, tumunog ang buto niya. Agad niya iyong ininda at sumigaw.

May biglang lumapit sa'kin hawak niya ang isang tabla! Umiwas ako papuntang kaliwa and hit his temple using my open palm, he immediately lost his consciousness.

Napayuko ako nang suntukin ako nang isang lalaki sa harap, umikot ako at bumwelo upang sipain ang mukha nito. Tumalsik agad siya.

I kneeled down when someone hit my leg. "Ahhh!!" sigaw ko.

Napaupo na lang ako dahil sa lakas ng impact nito. Naangat ko ang tingin sa kaniya. May hawak siyang malaking tubo, p'ta.

Ang sakit nun ah.

Mariin nitong hinawakan ang panga ko at ngumisi. "Lumalaban ka pa ah. Ano masakit? Walang makatutulong sa'yo rito. Kahit sumigaw ka pa walang makaririnig sa–"

Nainis ako sa pinagsasabi niya. Sa galit ko eh nasuntok ko ang KINABUKASAN niya.

"Ahhgg!! My precious!!" atungal niya.

Napahawak siya roon saka napaluhod habang namimilipit sa sakit. Pilit akong tumayo at iika-ikang hinarap ang lalaking leader nila. Mas bumilis pa ang paghinga ko.

Tumawa ito. "Ang tibay mo para sa isang babae. Napakapamilyar rin ng galaw mo. Sino ka ba talaga?!" Natahimik ako.

Sana hindi niya ako makilala.

Baka nakikilala niya ako, maaaring naging isa siya sa mga nakalaban ko noon. Kapag kasi nakikipaglaban ako, hindi ko pinapakita ang itsura ko.

I always wear hoddie, or any jackets and red masks. Nang sa gano'n walang makakilala sa totoong pagkatao ko.

"Secret," sabi ko. Kumunot ang noo niya. "Tigilan niyo na ako baka pagsisisihan niyo na nangyari 'to," I advised them while catching my breath.

Tumawa ang mga kasama niya, sampu pa silang natitira at lima pa lang ang napapatumba ko. Tsk, badtrip.

"Rinig niyo 'yon boys!? Grabe, nakakatakot!" pang-aasar niya habang iniikot ang spike axe niya.

That Girl Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon