- Chapter 41 -

57 19 0
                                    

Chapter 41
Reveal

Third Person Point of View

Agarang hinatak ni D'Mitri si Rohan papalayo kay Valerie nang madatnan niya ang kanilang sitwasyon. Halatang nanggigigil ito sapagkat salubong ang mga kilay niya at saradong sarado ang kamao niya nang kwelyuhan si Rohan.

"‘Wag kang makialam dito!" galit na sigaw ni Rohan sa kaniya at pilit siyang tinulak.

"Didn't you just heard what I fvcking said? Bingi ka ba o talagang tanga ka lang para hindi 'yon maunawaan?! Kapatid mo si Valerie, Rohan! She's you're younger sister, you sick fvck!" sigaw pabalik sa kaniya ni D'Mitri.

Tumawa ng malakas si Rohan. "'Wag ka ngang gumawa ng kwento! Paano 'yan magiging kapatid ko!? G'go! Matagal nang patay ang kapatid ko, kaya 'wag mo siyang idadamay dito!"

Sinuntok ng malakas ni D'Mitri si Rohan sa sikmura. Napahiga ito sa sahig at namilipit sa sakit.

"I'm not making up stories here, I'm telling the truth. Buksan mo nga 'yang mga mata mo, Rohan. Buhay nga ang kapatid mo!"

Sinipa ni Rohan si D'Mitri dahilan para siya naman ang mapahiga. Akmang babangon na ito nang lumuhod sa gilid niya si Rohan at suntukin siya ng paulit-ulit.

"T'ng'na, manahimik ka na! Hindi ka ba talaga makaintindi? Sino ka para sabihing siya ang kapatid ko? Iyan!" turo niya kay Valerie na ngayon ay nakatingin lang sa kaniya habang nakaupo at nakasandal sa pader. "Hindi ako tanga para maniwala na lang sa'yo!" tiim-bagang niyang sabi at tumayo.

"You're gonna regret all of this," anas ni D'Mitri.

Rohan grinned. "Really? Well, I'm not fvcking worried." Tiningnan niyang muli si Valerie. "Hindi pa 'ko tapos sa'yo, tandaan mo 'yan."

Pagkatapos iyong sabihin ni Rohan ay agad niyang nilisan ang lugar na iyon. Dahan-danang tumayo si D'Mitri at dinaluhan si Valerie na nasa sulok, nakatingin pa rin sa dinaanan ng kapatid. Lumuhod siya sa harap ng dalaga.

"Why didn't you tell him?" panimula nito.

Valerie was speechless, her eyes unfocused, still processing the shock of her brother's words.

Ngunit ilang minuto lang ang lumipas, at tuluyan nang naglandas ang mga luha ni Valerie. Hindi alam ni D'Mitri ang gagawin niya. Naaawa siya, nalulungkot, at pakiramdam niya ay nasasaktan siya para kay Valerie. Natataranta rin siya dahil ngayon niya lang nakitang nasa ganitong sitwasyon si Valerie.

He just sighed and gently touched her shoulder, offering a silent comfort and just staying by her side.

♕➺♕➺♕

Few minutes ago

Bricks Point of View

Nakaubos na ako ng ilang chicken empanada at isang lagok na lang at matatapos ko na rin ang ikalawang apple juice ko, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik.

Saang banyo ba 'yon nagpalit? Ba't ang tagal naman ata?

Nagtatalo ngayon sa harap ko sina Abe at Luke. Kanina pa nila pinag-aawayan ang tungkol sa isang bagay. Gusto ko na ngang lumayas dito dahil nakakarindi na ang mga boses nila.

Pero hindi pa siya dumadating.

Sumandal ako sa inuupuan at napabuntong-hininga ng malalim.

That Girl Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon