Chapter 36
DilemmaItong dinaanan naming shortcut ay tago. Nagpapasalamat ako dahil kami lamang ang nandito at walang nakakakita. Tanging mga nagtataasang kahoy at hindi sementadong daanan ang makikita. 'Di kalayuan mula rito ay mararating na namin ang police station ng Tionzi.
Naikuyom ko ang mga kamao ko. "Ano ba ang kailangan mo?"
"Kapalit ng buhay ng g'gong 'to, bigyan mo ako ng limang milyon," aniya at lumayo ng kaunti sa amin.
I tilted my head and snorted. "‘Yon lang?"
Nanlisik ang mga mata niya. "‘Wag kang magmayabang Sevilla at ibigay mo na sa'kin ang gusto ko kung ayaw mong paslangin ko ang kapatid mo sa iyong harapan."
"‘Wag mo ng idamay si Storm dito. Wala siyang kinalaman sa alitan na'tin."
"Paanong hindi ko idadamay 'tong kapatid mo? Eh ang laki ng kasalanan nito sa'kin."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ibibigay mo ba o hindi!?" sigaw niya bigla.
Napalunok ako, tinaas ko pa ang isang kamay ko. Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Alonso.
"Oo ibibigay namin ang hinihiling mo, 'wag mo lang siyang saktan," ani nito.
Ngumisi siya. "Nagbago isip ko. Gawin niyong sampung milyon, dagdagan niyo na, tutal mayaman naman kayo."
"G'go ka ba?" hindi ko napigilan ang sarili.
"Val ano ba!?" Alonso half shouted beside me.
"Ang tapang oh. May karapatan ka pang murahin ako kahit hawak ko na ang buhay ng pinakamamahal mong kapatid?" nakakalokong sabi niya at nilagay sa bungo ni Storm ang ulo ng baril. "Kulang pa nga ang halaga na 'yon sa ginawa nito. Nang dahil sa kapatid mo ay bumagsak sa ospital ang kapatid ko!"
My shoulders sagged at the revelation. I glanced at my brother who has a frown in his face, hindi maintindihan kung ano ang sinasabi nito.
He's brother was in coma and the one who caused it is Storm? How? At paano niya rin nakilala si Storm? Does it mean he's telling the truth? No. That's impossible. Hindi 'yon kayang gawin ni Storm.
"Nagkakamali ka, walang ginagawang masama–"
"Wala tayo sa sitwasyon na'tin ngayon kung nagkamali ako!" putol niya sa sinasabi ko. "Anong walang masamang ginawa? ‘Wag kang magmarunong kasi wala kang alam. Nakita kong tinulak ng g'gong 'to ang utol ko! Alam mo ba ng dahil sa kapatid mo'y nalubog ako sa utang?! Kinailangan kong pumatay ng ilang beses para may ipambayad ako sa mga gastusin ni Manuel sa ospital!" nanggagalaiting sigaw niya.
"Ikaw ba ang pumatay sa mga taong 'yon?" mahinang sabi ko. "Ang mga taong namamatay dito sa Tionzi ng mga nakaraang araw, ikaw ba ang may kagagawan nun?"
Sumilay ulit ang ngisi sa labi niya.
"Ako nga," pag-aamin niya habang natatawa na parang nasisiraan ng bait. "Hindi madali pero walang kahirap-hirap na trabaho. Isang bala sa puso at labing dalawang saksak sa katawan ay sapat na para mawalan sila ng buhay. Sa makatuwid isang bala nga lang ay kaya mo ng makapatay. Tulad nang nangyari kay Natasha, hay, sayang din ang babaeng 'yon," nanghihinayang pang aniya.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Gangster
Teen FictionTHAT GIRL is different; she's brave, unafraid to express her opinions, stubborn, and can be nosy at times. But little does everyone know, that girl can also be dangerous. Her mission is to find her brother. Entering a new school, accomplishing her g...