Chapter 19
MenaceHindi ako mapakali at kanina pa pabalik-balik sa labas ng ER, dito sa Anexebia Hospital.
Alam kong kahit saan tingnan ay ako ang may kasalanan kung bakit siya nandoon ngayon sa loob.
I can pay all Rio's expenses pero ang malaking problema ko ngayon ay kung anong idadahilan ko sa mga magulang niya.
Simpleng buhay lang ang meron sila. Factory worker ang Nanay ni Riogo, habang ang Tatay niya ay matagal ng patay. Ang kapatid niya namang babae ay nag-aaral sa kolehiyo at malapit ng makapagtapos.
I squeezed my eyes shut and let out a deep exhale. "Bakit kailangang mangyari 'yon sa kaniya?" sabi ko sa sarili.
Habang nasa byahe kami kanina ay nagising siya. Naaawa nga ako dahil dumadaing siya at nagrereklamo na masakit daw ang balikat niya. I asked him if he saw the guy who did that to him and he said yes. Pero may takip daw ang mukha nito.
Bigla na lang siyang sinikmuraan ng ilang beses. He made an effort to defend himself, but that person forcefully dislocated his shoulder. He also kicked Rio's head, causing him to collapse and lose his consciousness.
Pero ang pinagtatataka ko ay bakit hindi namin sila narinig ni Bricks.
Binantaan ba siya nito na tumahimik?
When we brought Rio here, he was immediately taken to the Radiographic Imaging room. This is where patients who need to have an X-ray are taken.
The Doctor said that he had an anterior dislocation. So they need to move the shoulder bone back into its original position.
"Val, on the way na si Alonso," sabi ni Bricks. Hindi ako sumagot. "Natawagan mo na ba ang parents ni Rio?"
Napayuko ako at umiling. "Hindi pa," sagot ko. "Natatakot ako Bricks, baka sa susunod ay mas malala pa ang gawin niya kay Rio o sa'yo."
Binigay ko sa kaniya ang phone ko. I let him read the message. Kita ko ang pagsalubong ng kilay niya.
"May hinala ka ba kung sino siya?"
"Si Rohan lang ang may matinding galit sa'kin pero hindi na niya ako ulit sinubukang saktan. Saka simula ng Monday ay hindi ko siya nakita. Hindi kaya magkasabwat silang dalawa?" Turo ko sa cellphone ko.
"Hindi na'tin alam. Pero nasisiguro ko na isa sa ka-batch na'tin ang gumagawa sa'yo nito."
Yeah, dalawang section ang sumama sa outreach program. So it means ang lalaking 'yon ay nasa Section 1 or 2 lang.
"‘Yong nangyari sa'kin sa Cypprin, siya rin ang may kagagawan," sabi ko.
"Ano!?"
"Mm, hindi ko nga alam kung anong motibo niya para gawin 'to."
Hindi na siya muling nakapagsalita nang biglang bukas ang pinto ng ER. Lumabas ang isang nurse at doctor. Agad akong lumapit.
"Doc how is he?"
"Are you Mr. Valencia's relative?" he asked.
Natahimik ako sandali. "Uh, no Doc. I'm his friend," I replied.
"Oh I see, the two of you must the one who brought him here." I slightly nodded. "Well, it was a simple shoulder dislocation, so surgery is not required. We did a closed reduction and we're able to successfully put the shoulder joint back into its proper position. And thankfully there are no broken bones or any damage to the shoulder joint. I will prescribe a pain medication to help the patient manage any discomfort or pain," mahabang sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Gangster
Teen FictionTHAT GIRL is different; she's brave, unafraid to express her opinions, stubborn, and can be nosy at times. But little does everyone know, that girl can also be dangerous. Her mission is to find her brother. Entering a new school, accomplishing her g...