- Chapter 20 -

98 43 0
                                    

Chapter 20
Hidden Agenda

D'Mitri's Point of View

Val diverted her gaze away when she saw me looking at her. Parehong may dumi ang blouse nilang dalawa ni Jarah, but her body is drenched after Val poured that bucket on her.

Pft, what a nuisance.

"Cause another trouble here and I won't hesitate to bring you to the Dean's office," I firmly said.

"She caused this D, siya ang nauna," giit ni Jarah.

Nakapulsa ko siyang hinarap. "I don't care who started it."

"But I'm your friend, you should defend-"

"Let me remind you something. Hindi porque kasintahan mo si Rohan ay kaibigan na rin kita." I cut her off. Her nostrils flared and her face reddened with anger. "We're not friends and don't call me that. It's President for you. At ikaw," turo ko kay Val.

Her left eyebrow curved. "Ano? May sasabihin ka rin?" hamon niya. "Save it. Alam ko na ang sasabihin mo."

Kumunot ang noo ko. "What?"

Napabuntong-hininga siya."Let's go," yaya niya kay Bricks at nilampasan kami.

Unbelievable.

"Ano pa ang ginagawa niyo rito?" Nilibot ko ang paningin. "The show is over. Go back to your classes." Hindi sila gumalaw. "Now!!" sigaw ko.

They immediately ran towards the door. Nang masiguro na wala ng students ang nandito sa canteen ay lumabas na rin ako.

♕➺♕➺♕

Hindi muna ako umuwi. Dumiretso ako sa bahay ni Luke. Nang makarating ay sinalubong ako nang Lola niya. I slightly smiled upon seeing the old woman.

"Hijo, tuloy ka. Kanina ka pa ba sa labas?" she asked and let me in.

"Uh no, kararating ko lang po," magalang kong sabi.

"Oh eto, suotin mo." Binigyan niya ako ng tsinelas. "Nandoon sila sa kwarto ni Jojo. Dadalhan ko kayo diyan mamaya ng meryenda."

"Thank you po."

Mabait ang Lola ni Luke. Kapag pumupunta kami rito ng barkada ay hindi niya kami pinapabayaan. His grandmother, Lucia, was the one who raised him since both of his parents died after a plane crash.

Kumatok ako ng dalawang beses sa kwarto ni Luke. Pagpasok ko ay nadatnan ko siyang nasa harap ng computer niya.

Si Ash ay nakahiga sa kama, samantalang si Abe ay naglalaro ng video games sa cellphone niya.

"Ito na ba lahat?" seryosong tanong ko kay Luke. I stared at the computer screen.

"Yeah. Her former school is Eryx High, some say na school for gangsters 'yon. May tatlong kapatid siya, they are triplets. And may nag-tip kay Waldon, mayaman ang pamilya niya and they own a lot of properties sa Zephyrn, some areas here in Anexebia, Cypprin, Isryl," he said. "At alam mo ba na may sinasalihan siyang gang?" Natigilan ako. "'Yon ang sabi sa'kin nang informant na nakilala ko sa Zephyrn. Ang hindi ko alam ay kung anong gang ang sinasalihan niya. Kasi nang tanungin ko ang lalaki ay binaba niya na agad ang linya." Natahimik ako, hindi makapaniwala.

That Girl Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon