- Chapter 12 -

95 52 0
                                    

Chapter 12
Rules

"Miss Sevilla, you are late," sabi ni Mr. Pom pagdating ko.

Ang iba ay nasa field na rin. They are playing baseball, some are dodgeball. Napakamot ako sa ulo.

"Sir sorry, nakalimutan ko kasi," bulong ko.

Bumuntong-hininga siya. "Don't worry, you're excused. Kamusta na ang pasa mo?" nagulat ako sa tanong niya.

"A-ayos naman, teka paano niyo po nalaman?"

Ngumiti siya. "You can stay here, if you want to join just tell me," he said and left.

Taka ko siyang sinundan ng tingin. Manghuhula ba si Sir? Umiling ako at naupo na lang sa bench dito sa labas ng gym.

Wala namang nakaaalam ng tungkol doon maliban kay... D'Mitri. Imposible naman ata na malaman ni Sir 'yon!

Tanaw ko mula rito si Bricks habang naglalaro ng baseball. Malapit lang din ako sa mga classmates kong naglalaro ng dodgeball.

Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita ni Bricks. Ganitong ganito rin ang ginagawa niya sa Eryx High. Before Lee introduced me to him ay kilala ko na siya, though we're not friends. We're just classmates.

Bricks hit me with his baseball bat dahil hindi raw ako marunong maghagis ng bola. Naglalaro rin kasi kami nang time na 'yon. I laughed as I remembered what happened to me. Nagkaroon lang naman ako nang bukol sa noo, maliit lang naman dahil hindi malakas ang pagpalo niya. I think it's just his way to tease me.

But seriously?! Why would he hit me?Masakit pa rin kaya! Sira talaga ang ulo ng Bricks na 'yon noon. Sarap kutusan.

Gusto ko na noong umiyak at umuwi but I know that it would make me look like a loser, and everyone will think that Don Vektor's so called daughter is weak. So instead of doing it, I just punched Bricks. Kaya 'yon, siya ang umiyak imbes na ako.

"Mag-isa ka lang?"

Bumalik ako sa reyalidad nang may magsalita. Taka akong lumingon sa kaliwa ko. May lalaking nakatingin sa'kin habang tinaas-taas pa ang kilay nito.

"Sino ka naman?" masungit kong sabi.

"Ikaw ang famous dito ngayon sa school namin. Ikaw lang halos ang bukambibig ng lahat, hanga ang iba sa katapangan mo. Ang iba galit dahil sa mga ginawa mo sa kaibigan ko, but I think you are cool. Hindi ka naman siguro gangster, di'ba?" biglang tanong niya. Natahimik ako sandali.

Sino ba ang lalaking 'to?

Bahagya akong umiling. "Ay gano'n, akala ko pa naman tuloy," nanghihinayang pang aniya.
"Ako nga pala si Abe Martino, classmate mo ako."Umupo siya sa tabi ko.

"Valerie Sevilla. Nice meeting you."

"Ang ganda mo pala sa personal 'no?" biro niya.

Ngumiti ako nang peke. "Gusto mong masuntok ng hard?" hamon ko.

"Joke lang, heto naman." Napakamot pa siya sa ulo niya.

"Mukhang nagkakamabutihan kayo ah!" pang-aasar niya habang papalapit siya sa'min, nakangisi pa.

Bored ko siyang tinitigan. "Shut up. Maligo ka nga ro'n, ang dungis mo," balik ko sa kaniya.

That Girl Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon