Chapter 21
RunHabang nasa byahe ay nanatiling tahimik si Mitch. Her gaze is fixed outside the window. I didn't mind her at nag-focus na lang sa pagmamaneho.
Bago pa ako makalabas ng bahay ay nakita ko na si Mitchie sa CCTV monitor namin. At exactly 5:50 am ay umaaligid siya sa labas ng bahay. She's acting suspicious. She's constantly looking around the place while talking to her phone.
Bakit siya nandoon? May binabalak ba siya? Pero ano naman?
"Bakit niyo nga pala naisipang lumipat sa village?" basag ko sa katahimikan.
"Why'd you ask?" nagtatakang aniya.
"Curious lang," maikling tugon ko.
Sandali siyang natahimik. "Well, my father has businesses here so naisip niyang lumipat na kami since nahihirapan siyang mag-travel every day."
"Saan ba kayo nakatira noon?"
"Uh, sa Anexebia."
"Edi ikaw naman ang mahihirapan."
"Nah, I'm okay with that."
"I see. Can I ask you a question?"
"Sure."
"Tungkol ito kay Rohan. Takumi ba ang totoong surname niya?"
"Ahh, wala akong masyadong alam kay Rohan. All I know is that ang Mother niya nag-asawa ulit and he was a japanese. They owned a lot of businesses and mayaman sila," she said.
"Okay, is that all?"
Napaisip muna siya. "Wala na eh. I think sina Abe ang tanungin mo since they're friends with Rohan." Napatango ako.
Friend? Pft, ni hindi na nga niya sila pinapansin eh.
♕➺♕➺♕
Naunang pumasok si Mitch habang nandito pa rin ako sa labas. Sinabihan ako ni Bricks na wala raw si Sir Pom kaya tumambay muna ako rito sa kotse ko.
"Val?" Napalingon ako sa nagsalita.
"Oh? Ang aga mo ata Riogo."
Lumapit siya sa'kin. Sinara ko ang pinto ng kotse ko.
"Malamang may pasok tayo ngayon Madam. Nasa'n ba utak mo?" Nag-salubong ang kilay ko.
Ang sarap sampalin neto.
"Malamang nasa loob ng bungo ko. Suntukin kita diyan eh." Tinawanan niya lang ako.
Kahapon lang siya na-discharge. Pinayuhan siya ng doktor na kailangan niya pang magpahinga pero nagpumilit siya at sinabing ayos na raw siya kaya eto.
"Wala si Sir Pom. Hindi ka ba nasabihan?"
Kumunot ang noo niya. "Talaga? Ano ba 'yan, nagmadali pa naman akong pumunta rito. Hindi tuloy ako nakapag-almusal," parinig niya.
Natawa ako. "Kasalanan ko?" Ngumuso siya at nag-puppy eyes. "Sige na sige na, tara doon sa canteen."
"Yes!" I just shook my head.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Gangster
Teen FictionTHAT GIRL is different; she's brave, unafraid to express her opinions, stubborn, and can be nosy at times. But little does everyone know, that girl can also be dangerous. Her mission is to find her brother. Entering a new school, accomplishing her g...