- Chapter 4 -

146 59 0
                                    

Chapter 4
Totally Changed?

Nagkasagutan pa kami ni Alonso nang makarating sa opisina niya. He said that it will be my first offense at bawat paglabag roon ay mayroong katumbas na parusa.

Pft, ang higpit naman nila rito. Alonso said that I'll do community service. Sasabihin niya lang daw sa'kin kung kailan 'yon.

Hindi muna kami dumiretso sa room, instead we went to the clinic. I just want to visit Luke. Hindi pa kami nakalalapit sa pintuan ng bigla itong bumukas.

"OH ANO!? P'TANG'NA KA! Tumayo ka!"

"Tingnan niyo 'to, ang magaling na si Arnaiz ay walang kalaban-laban. Kawawa ka naman," sabi nang isa at tinadyakan pa siya.

"Brad bugbugin niyo 'yan hanggang sa hindi na niya maimulat ang mga mata niya! Bilis!"

Pinagtulungan nang tatlong lalaki si Luke. Ang isa naman hindi magawang lumaban kasi parang wala pa sa sarili. Hindi pa siya nakarecover. I clenched my fist.

"Val," bulong niya.

"Stay here."

Lumapit ako sa kanila. Natigil sila at nilingon ako nang may pagtataka.

"HOY! MGA UNGAS! Tigilan niyo nga siya!" nanlalaki ang matang sigaw ko.

They laughed. "Huwag ka ngang sumawsaw babaeng pakealamera!" sigaw ng mataba.

"Baka gusto niyang makipaglaro boys!" ngisi niya, nagsalubong ang mga kilay ko.

"Gusto niyo ba?" alok ko.

"Aba, sumasagot!"

"Halika rito! Nang matikma-"

Tinadyakan ko siya sa mukha kaya agad siyang natumaba. Humulma sa noo at ilong niya ang sapatos ko. Nilingon ko ang dalawa, *death glare*. Takot silang tumakabo papalayo. Nainis ako.

"Hoy bumalik kayo rito. Hindi pa ako nagsisimula!" galit kong sigaw.

"Val, tama na 'yan. Hayaan mo na sila," pigil ni Bricks.

I saw Luke struggling when he tried to stood up. I tried to help him ngunit inis niyang hinawi ang kamay ko, he stood up alone. Napapahiyang lumayo ako.

"Bwis't kang babae ka. Hindi ko pa rin nalilimutan ang ginawa mo! Layuan mo ko!" he yelled at me. Nagulat naman ako.

Sabagay initial reactions niya 'yon. Tumalikod siya sa'min. Kung sa iba ko gawin 'yon gano'n din ang sasabihin nila.

Tatanga-tanga ka kasi Val eh.

I sighed, "I'm so sorry Luke." panandalian siyang tumigil. "Hindi naman sana kita papatulan eh, kaya lang hindi naman ako bayani para magpaapi na lang sa'yo. Pasensya na ulit dahil sa'kin and'yan ka," mahinang sabi ko."Let's go."

Niyaya ko na si Bricks na umalis. Malapit na kaming umalis sa floor na 'to ng may mag-salita.

"Wait."

That Girl Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon