Chapter 22
Holding Back"Nasaan na sila?" tanong ko sa lalaki pero hindi ito sumagot at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi maganda ang kutob ko sa isang 'to. Pero kung totoo man ang sinasabi niya na may ginagawang katarantaduhan si Rohan sa kanila ni Bricks ay malilintikan talaga siya sa'kin.
We went inside the gym. Then I heard the doors closed.
"Hold her," someone said.
Sa isang iglap ay may mga tao na sa gilid ko at puwersahan nilang hinawakan ang parehong braso ko. I stood motionless and stared at what is in front of me. Reality of my situation began to sink in as I saw Rohan approaching.
Agad niya akong sinampal. My left cheek suddenly became numb. When I look at my left side I noticed the guy earlier. Nakayuko ito sa gilid at tahimik.
Paniguradong inutusan ng ungas na 'to ang lalaking 'yon.
"Akala mo ba ay matatakasan mo ako?" he gritted out. Salubong ang kilay niya. "You can't hide from me forever, Sevilla."
"What do you want?" inip kong tanong.
"Isang bagay lang naman ang gusto kong gawin at 'yon ay ang makapaghiganti at pahirapan ka."
"Pft, dalawang bagay na 'yon."
Sinabunutan niya ako. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. "Shut the fvck up. Alam mo ba na ang dami kong naiisip na paraan para pahirapan ka?"
"Wala akong pakialam sa kung ano man ang gusto mo. Pakawalan mo na ako ngayon," inis kong sabi habang nakakuyom ang mga kamao.
"Kakaiba ka talaga. Ikaw na nga itong walang laban eh nagyayabang ka pa. Mas mabuting itikom mo iyang bibig mo Sevilla baka ikapahamak mo 'yan," aliw na sabi sa'kin nang lalaking katabi niya.
May hikaw ito sa magkabilang tenga at magulo ang buhok. Maputi ito at medyo may katangkaran. Pamilyar rin sa'kin ang mga mata niya. Ito ang unang beses na nakita ko siya pero bakit parang nagkakilala na kami dati.
"Ain't gonna happen," ani ni Rohan dahilan para tingnan ko siya. "Emil, nasa'n na ang cutter?"
Natuon ang atensyon ko sa lalaking nanloko sa'kin. Lumapit siya sa'min at binigay kay Rohan ang isang malaking cutter na nakaangat na.
Peste.
Ngumisi si Rohan at pinagmasdan ang hawak niya. Pinaikot-ikot niya ito sa mga daliri niya na para bang sanay na sanay siyang gawin ito. Lumakas ang tibok ng puso ko. Pilit akong pumalag sa dalawang nakahawak sa'kin pero wala akong laban sa lakas nila.
Aapakan ko na sana ang paa ng katabi ko nang magsalita siya. "I wouldn't do that if I were you," babala niya. "Isang maling galaw lang ng mga paa mong 'yan at hindi ka na ulit makalalakad. Georgee bantayan mo," utos niya sa lalaking nasa tabi niya.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Gangster
Teen FictionTHAT GIRL is different; she's brave, unafraid to express her opinions, stubborn, and can be nosy at times. But little does everyone know, that girl can also be dangerous. Her mission is to find her brother. Entering a new school, accomplishing her g...