Chapter 23
DisappearanceValerie's Point of View
"Sigurado ka bang ayaw mong kumain?" tanong sa'kin ni Bricks nang makarating kami sa canteen.
Lunch time na at nandito na naman kami ulit. "Yes. Busog pa ako sa binigay ni Luke kanina," sagot ko.
"Edi samahan mo na lang kami sa loob."
"'Wag na, dito muna ako. Papasok na lang ako mamaya. May tatawagan pa ako eh."
"Sino naman?"
Pati ba naman 'yon ay kailangan ko pang ipagsabi?
"Madam bigyan mo na lang ako ng pera, kahit 100 pesos lang," singit ni Rio sa usapan at nag-puppy eyes sa'kin.
At talagang..
Napailing ako at kumuha ng 100 pesos sa wallet saka binigay sa nakalahad niyang kamay.
"Yes!" aniya saka tinaas pa ang pera. "Salamat talaga Madam, pramis kapag nakapagtrabaho ako babayaran kita."
I laughed a bit. "Kahit 'wag na," sabi ko.
Hindi niya ako pinansin at pumasok na sa loob ng canteen.
Walang hiya talaga ang tukmol na 'yon.
"Samahan mo na siya do'n, susunod ako," sabi ko kay Bricks.
Nag-alangan pa siya pero tumago rin kalaunan. "Sige, susunod ka ah?"
I nodded my head. "Oo nga."
Hindi ko talaga siya maintindihan minsan.
Tumungo ako sa gilid ng field at umupo sa isang bench na nasa ilalim ng mahogany tree. I dialed Alonso's number. Agad niya itong sinagot.
"What?" pagalit niyang sabi.
Kumunot ang noo ko nang marinig ang malalim niyang paghinga. May narinig din akong boses ng babae.
"Who's that?" tanong ko.
He cleared his throat. "No one. Why did you call?"
Hindi ako kumbinsido pero mas nabigla ako nang may marinig akong umungol.
"Baby come here, we're not done yet," sabi sa kabilang linya.
Halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Natingnan ko ang cellphone ko habang nakaawang ang bibig.
What the fvck is that?
"My gosh, are you having.."
Hindi ko natuloy ang nais kong sabihin dahil nakakahiya and ewww. My nose scrunch just by thinking it.
Rinig ko ang mura niya. "We'll talk later." Agad niyang binaba ang linya.
P'cha, imbes na gawin niya ang trabaho niya bilang Dean eh nandoon siya sa nobya niya at gumagawa ng milagro. Pft.
Natigilan ako ng may maramdamang presensya sa likuran ko. A familiar musky scent invaded my nose. As I turned around, I was met by his cold stare that sent shivers down my spine. Kusa akong napalunok.
What's he doing here? Sinusundan na naman ba niya ako?
"Anong kailangan mo?"
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Gangster
Teen FictionTHAT GIRL is different; she's brave, unafraid to express her opinions, stubborn, and can be nosy at times. But little does everyone know, that girl can also be dangerous. Her mission is to find her brother. Entering a new school, accomplishing her g...