Chapter 29
UnveiledTahimik ang byahe namin papunta sa sinasabi niyang underground. Nasabi niya kanina na gaganapin ang cage fighting sa isa sa mga bar na pagmamay-ari nang pamilya nina Rohan, pero siya na raw ang nagpapatakbo ng negosyo.
Huminto ang kotse nang mag-red ang traffic lights. Kasabay niyon ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. I hugged myself and listened to the rain tapping on the car roof.
"Here," nagsalita ang katabi ko.
Ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lalapit sa'kin saka inilagay ang jacket niya sa balikat ko.
"P-para saan 'to?" I asked, confused.
He glanced at me, his brows furrowing. "Are you an idiot or what? Of course it's for you, nilalamig ka na," wika niya at napailing pa.
Aba't! Loko ka palang matanda ka eh.
"Nagtanong lang ininsulto agad ako. Ang yabang," bulong ko sa sarili.
"You're welcome," walang emosyong sabi niya.
I shook my head and turned my attention outside the window, lost in thought.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" he asked out of the blue.
Sandali akong natahimik bago sumagot. "I guess I am."
He sighed before speaking. "I'm not suppose to say this, but I'm giving you a chance to back out." Natigilan ako.
Back out? Tama ba 'tong naririnig ko?
"I.. I would never do that," bulong ko.
Biglang huminto ang kotse niya. Taka ko siyang tiningnan, agad na nagsalubong ang paningin namin.
"Listen, Val. I know you're tough and all, but cage fighting is no joke. It will be a brutal and dangerous fight," babala niya.
"Alam ko."
"No, you clearly don't. I won't repeat myself again. Umatras ka na bago pa magbago ang isip ko."
Nakaramdam ako ng inis at bahagyang natawa. "Ayoko nga, di'ba? Hindi ba't sa'yo mismo nanggaling ang desisyon na 'yon? You declared it in front of everyone. So why are you trying to stop me now when you had every opportunity to take back what you said in the first place!?" sigaw ko.
Umiwas siya ng tingin. "Maybe I should have," pabulong niyang sabi ngunit hindi ko ito lubusang narinig.
"Anong sabi mo?"
He leaned in his seat. Pansin kong humigpit ang hawak niya sa manibela. Rinig ko pa ang mga mura niya.
What the?
"If that's what you want, then so be it." He started the engine. "Don't forget I warned you," sabi niya at nagsimula na ulit siyang mag-drive.
♕➺♕➺♕
Lumabas ng kotse si D'Mitri para kausapin ang kaibigan daw niya, kaya naiwan akong mag-isa rito. Naka-park kami ngayon malapit sa isang two story building dito sa Anexebia.
Ito na ata ang bar na sinasabi niya.
Hindi ako mapakali sa kinauupuan habang nakatingin sa labas ng kotse. Malapit ng magtakip silim. Maraming tao na ngayon ang nagsisidatingan.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Gangster
Teen FictionTHAT GIRL is different; she's brave, unafraid to express her opinions, stubborn, and can be nosy at times. But little does everyone know, that girl can also be dangerous. Her mission is to find her brother. Entering a new school, accomplishing her g...