Chapter 38
YoursValerie's Point of View
It's already four in the afternoon at ngayon pa lang kami aalis papunta sa bahay ni Krismond.
"Ikaw na ang mag-d-drive big sis?" tanong ni Steel habang papalabas na kami ng bahay.
"Oo, pumasok ka na," wika ko.
Pagbukas ko ng pintuan sa driver seat ay agad akong napasigaw at napatalon sa gulat. His eyes squeezed shut by my sudden outburst.
"What the heck!?" nanlalaki ang mga matang sigaw ko.
"Ano 'yon big sis!?" rinig kong sabi ni Steel sa tabi ko. "Oh."
"You don't need to shout, dimwit," he uttered as he locked his eyes on mine.
Nag-init ang ulo ko. "Anong tinitingin-tingin mong damuho ka? Bakit ka na naman nandito?!"
Tiningnan niya ang katabi ko kaya napatingin na rin ako kay Steel. Umiwas ito ng tingin at sumipol, halatang iniiwasan ako. Sa inis ay piningot ko ang tenga niya.
"Aww! Masakit big sis!"
"May kinalaman ka ba rito?"
Nginitian niya ako. Hinigpitan ko ang pagpingot sa tenga niya.
"Ah! Oo oo, I can explain! Bitawan mo na 'ko huhu," nakaawang ang bibig niyang reklamo.
Binitiwan ko siya. "Now, explain."
He rubbed his ear while pouting. "Sabi ni Alonso ay tawagan ko raw si big bro kapag lalabas ka o aalis sa bahay," paliwanag niya.
Big bro? Wow ah.
"Tsk, mahilig talagang makialam 'yang si Alonso eh."
"Look who's talking."
Lumipat ang tingin ko sa kaniya. "Anong sabi mo!?"
He cleared his throat and avoided my gaze. "Nothing. Don't blame your brother, he just called me."
Napasinghal ako. "P'wede ba tanda? 'Wag mo na siyang pagtakpan. Saka 'wag kang nanggugulat basta-basta. Para kang kabuting palaging sumusulpot kung saan."
"I didn't do anything to you, dimwit. Ikaw 'tong biglang sumisigaw," inosenteng aniya.
Pumalakpak ako at tumawa ng sarkastiko. Kunot-noo niya akong tiningnan.
"Oh bakit? Aangal ka? Baka gusto mong baliin ko 'yang marurupok mong buto," inis kong sabi. The side of his lip twitched. "Sa susunod kasi na pupunta ka ay ipaalam mo sa'kin. You're my personal bodyguard not his." Turo ko kay Steel na sinamaan lang ako ng tingin.
"I'm already yours."
My heart skip a beat at his reply.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Gangster
Teen FictionTHAT GIRL is different; she's brave, unafraid to express her opinions, stubborn, and can be nosy at times. But little does everyone know, that girl can also be dangerous. Her mission is to find her brother. Entering a new school, accomplishing her g...