- Chapter 7 -

118 56 1
                                    

Chapter 7
Need a Help?

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa room and the class started immediately.

I roamed my eyes around this classroom. Pansin kong iilan lang kaming babae ang nandito. At nasa section 2 naman napunta ang ibang babae. Konti naman ang mga lalaki ro'n.

Napailing na lang ako. I just answered the test that was given to us. Hindi pa naman ako nag-aral nang nakaraang araw.

Papasa ba ako?

Nag-extend ng time si Ma'am Maisie, teacher namin sa English, dahil aalis daw siya bukas. Kaninang umaga kasi ang original time niya. Vacant namin ngayon kaya kinuha niya na ang pagkakataon.

May biglang kumalabit sa'kin. "Ano?" tanong ko.

Parang tuta siyang nag-mamakaawa, "Ano 'yong number 10 mo?"

"Pft, neknek mo." Nag-focus na lang ako.

"P're, sige na naman oh," mahinang bulong niya. "Wala ako masyadong alam sa English eh, ito ang kahinaan ko."

"Oh e ano ngayon?" Kita kong ngumuso siya ng sobrang haba
"If you just read your notes hindi ka magkakaganyan."

"Sorry na, sige na p're tulungan mo na ako," pangungulit niya ulit.

I shook my head at palihim siyang pinakopya. Todo naman ang ngiti niya at agad na sinulat iyon.

Kung hindi ko lang kaibigan 'to kanina ko pa siya nabatukan eh.

"Tapos ka na?" tanong ko sa kaniya.

Tumango siya. "Oo, thank you poww." Hindi pa rin maalis ang ngiti niya.

Napailing na lang ako. I stood up and passed my paper. Nang makarating ako sa mesa nitong guro namin ay bigla siyang ngumiti.

I gave her a confused look. "Your done already?" tanong niya at tiningnan pa muna ang papel ko Saka binalik ang tingin sa'kin. Napatango ako. "Your fast. Anyway, I heard a lot from you. You just transferred here yet you caused a lot of trouble." Natitigan ko siya ng matagal.

I cleared my throat. "I won't deny that fact, Ma'am."

"Let me tell you this, I'm thankful na dito ka nag-transfer."

Ano raw?

"What do you mean Ma'am?" I utterly asked.

Ngumiti siya ulit. "Oh nothing. Let me remind you this, mag-ingat ka. Even if you know how to defend yourself, you're still a woman. Ang mga lalaki rito ay hindi minsan marunong rumespeto," paalala niya.

Right.

"I will keep that in mind Ma'am Maisie." Tumango siya.

Ano kaya ang nakain ni Ma'am Maisie at gano'n magsalita?

Naupo na ako. Ilang minuto akong naghintay at tumunganga. Some of my classmates are passing their papers. Pero naagaw ng pansin ko si Luke. Pinapawisan siya at parang hirap na hirap habang nakatingin sa test paper niya.

Baka natatae lang?

Wala pa si Ma'am dahil lumabas.

Should I help him?

That Girl Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon