- Chapter 17 (Part 2) -

33 1 0
                                    

Chapter 17
With You

Alonso's Point of View

"What do you mean that she's lost?!" mahinang sigaw ko, sapat lang para siya ang makarinig. "Inutusan ko siyang kunin ang gamot doon sa sasakyan. Maybe she's just outside."

Bricks is here in front of me now, saying that he can't find Val.

"Si Ash ang bumigay sa'yo nung gamot at kanina pa 'yon. Lumabas na 'ko pero hindi ko siya makita, tapos ito."

May binigay siya sa'kin. It's a broken phone. Mukhang may sumadyang apakan ito. A wave of fear washed over me.

"Kay Val 'yan. Nandoon 'yan sa mismong labas ng kotse mo Alonso," he said, his jaw clenching. "Tulungan mo ko."

"D'mnit!" Napahawak ako sa ulo.

Hindi ako pwedeng umalis dito. Pero ayoko ring mapahamak si Val.

"We'll find her Dean."

Napalingon ako sa nagsalita. It's Ashryvyr Torres and his friends.

"What do you mean?"

"Don't worry, Bricks told me earlier about it. Tutulong kaming apat sa paghahanap. If you'll allow us to leave, Dean," magalang niyang sabi.

Napabuntong-hininga ako, walang magawa. "Fine, but be careful."

Tumango siya at sinenyasan ang mga kaibigan na umalis. Hinawakan ko ang balikat ni Bricks.

"Find her Bricks. And text me if anything happens," I sternly said. He nodded and followed them.

I combed my hair, frustrated and worried at the same time. Ipinagkatiwala siya sa'kin ni Vektor bago ito mamatay. I left Exodus before, that's why I became the Dean of Verdandi. But the day Vektor died, I found a letter in his table and it was intended for me.

Sinasabi niyang dapat akong bumalik. Kahit ayaw ko na ay pinilit ko ang sarili, for the sake of Val. She's too young to handle the gang. She was 15 years old when Vektor left them. So I guided and taught her everything she needs to know about the gang.

I'm her guardian yet I can't protect her myself.

Mas humigpit ang hawak ko sa mesa. I dialed Oliver's number.

"Napatawag ho kayo Sir?"

"Oliver, can you go here in Cypprin? Kunin mo rito si Val."

"Ngayon na po?"

"Yes now, thank you," sabi ko at pinutol ang linya.

♕➺♕➺♕

Valerie's Point of View

As my eyes fluttered open, I was greeted by an unfamiliar surrounding. Confusion washed over me.

Where am I?

Wala akong ibang makita kung hindi mga damo at mga nagtataasang kahoy. Medyo madilim ang paligid dahil sa lakas ng ulan.

Pinilit kong tumayo pero biglang umikot ang paningin ko kaya napasandal na lang ako sa malapit na puno. Nahawakan ko ang ulo nang maalala ang nangyari.

Bwisit. Kung sino man ang lalaking 'yon, humanda talaga siya sa'kin kasi ililibing ko siya ng buhay. Saan ba kasi ako dinala ng lintek na 'yon?! Nandito pa rin ba ako sa Cypprin?

That Girl Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon