Chapter 35
Surprise AttackSomeone's Point of View
Lumipas na ang beinte minutos at nandito pa rin ako sa loob ng lintik na jeep na 'to. Mainit at masikip dito sa loob. Ang ibang mga pasahero ay naiinip at napapamura na dahil hanggang ngayon ay hindi pa umuusad ang kalsada rito sa interseksyon ng Sydom at Diwam.
"Mukhang matatagalan pa 'to," sabi ng lalaking naka-uniporme ng pang-opisina sa kasintahan nito.
Nandoon sila malapit sa likod ng driver. Para silang lintang hindi mahiwalay sa isa't isa. Dikit na dikit at hindi alintana ang maalinsangang panahon.
"Oo nga mahal, maglakad na lang kaya tayo?" anito at inihilig ang ulo sa balikat ng syota.
Hindi ko maiwasang huwag mapasinghal. Lumipat ang tingin ko sa batang nasa harapan ko. Nakatingin ito sa'kin habang binubuksan ang plastic na may lamang banana cue.
Tumayo ako sa kinauupuan at hinablot ang supot nito saka lumabas. Rinig ko ang atungal ng bata. Napangisi ako at umalis na roon. Agad akong sinalubong ng nakakapasong init ng araw.
Dito sa Tionzi, isa sa mga baranggay ng Anexebia, ang pinakamagulo at mataong lugar. Halos lahat ng tao rito ay magkakakilala at magkapamilya. At dito rin ako nakatira.
Habang nginunguya ang banana cue ay tumunog ang selpon ko. Nilunok ko ang kinakain saka ito sinagot.
"Bossing, magandang umaga."
"Nasa'n na pera ko Rosales? Akala ko ba'y napagkasunduan na na'tin na ngayon mo ibibigay?"
Tsk, ngayon na ba 'yon?!
Nag-igting ang panga ko. "Naman boss. Mamaya ko ibibigay, may kailangan lang akong tapusin."
"Siguraduhin mo lang. Ipapadala ko 'tong si Kiko, sa kaniya mo ibigay ang pera. Kuha mo?"
"Areglado boss."
Sa inis ay nasipa ko ang basurahan na malapit sa'kin. Napatingin sa'kin ang mga dumadaan.
"T'ng'na talaga," mura ko.
"Hoy! Anak ng tupa, pulutin mo 'yan! Wala pa ngang sampung segundo ko 'yan nilagay ay ikakalat–"
"Edi pulutin mo ulit. Hindi ko na problema 'yon."
"Bastos ka ah!"
Binangga ko ang balikat niya at nagmadaling umalis sa lugar na 'yon. Nang makarating sa abandonadong paggawaan ng tela ay tumungo agad ako sa kwartong pinagtataguan ko.
Dito ako pansamantalang namamalagi dahil ang unang lungga ko ay nahanap ng mga tropa ni Sevilla. Binuksan ko ang TV at kinuha ang natirang alak malapit sa papag saka 'yon tinungga.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Gangster
Teen FictionTHAT GIRL is different; she's brave, unafraid to express her opinions, stubborn, and can be nosy at times. But little does everyone know, that girl can also be dangerous. Her mission is to find her brother. Entering a new school, accomplishing her g...