Chapter 21.

20K 143 5
                                    

Unti unti kong iminulat ang namamaga kong mga mata. Dahan dahang nag-inat bago tumayo at lumapit ako sa harap ng salamin.

Nakatitig lang ako sa sarili ko. Totoo ba ang lahat ng nangyari kahapon? Pakiramdam ko nagising ako sa napakalagim na bangungot. Hanggang sa... may pumatak na lang na luha sa mga mata ko.

Hindi... Hindi pala panaginip ang lahat. Lahat yon ay TOTOO. Tuloy tuloy ang agos ng luha ko at napagtanto kong eto na ang unang araw na dapat kong harapin ang katotohanan na lahat ay NAGBAGO na. Na lahat ng mayroon ako 16 years ago, wala na.

Napayuko na lang ako at naiisip pa rin ang lahat ng pangyayari.

- Flashback -

Nang makaalis kami sa tamabayan ng barkada, drum drum na luha pa ang pinalabas ko sa mga mata ko. Tumambay kami sa playground ng subdivision namin at doon ko binuhos ang lahat ng sakit at hinaing ko.

Walang nagawa sina Julia kundi samahan at damayan ako. Hanggang sa ihatid nila ako sa bahay. Pagpasok ko, dire-diretso na ako sa kwarto ko, at doon, umiyak na naman ako ng umiyak. Kinakumusta pa nga ako ni Mama pero nagkunwari akong tulog. Gusto ko man sabihin sa kanya lahat, pero sa ngayon, hindi ko pa kaya.

Nakahiga lang ako sa kama, tulala kahit nakapatay ang ilaw. Nang mapansin kong umilaw sa katapat kong kwarto. Kanino pa ba? Edi kwarto ni Dan.

Maya maya nakita ko siyang lumabas sa veranda. Ang saya saya niya. Yung sayang hindi mo mawari. Yung sayang kahit kailan hinding hindi ko mabibigay sa kanya.

"Jane, ah este, baby... Nakauwi na ako. Oo, syempre naman. Ikaw pa? Eh mahal na mahal kita. Thank you! Ako na yata ang pinakamasayang lalake ngayon. Hahaha! Sige... Opo mahal ko. Good night. I love you!!"

</3

Hayyy.. Kailangan kasi pagtatawag nasa veranda pa? Pwede namang sa loob na lang diba? Kailangan pa talagang marinig ko pa? :"<

Hindi ko na napigilan, at umiyak na naman ako ng umiyak. Hanggang sa makatulog na ako.

- End of Flashback -

Ang unfair naman. Wala man lang pasabi na masasaktan na pala ako. Wala man lang pasabi ng pwede kong gawin para maibsan ang nararamdaman ko. Lahat on the spot! Wow ah!

Lumipas ang maghapon at nagkulong lang ako sa kwarto. Pinaglalamayan ang puso kong unti unting namamatay sa sakit. Tuwing tatanungin ako nina Mama, hindi naman ako makasagot dahil pakiramdam ko, tuwing magsasalita na ako maiiyak na agad ako.

Maya't maya naman, tinitext ako nina Julia. Tinatanong kung kumusta na daw ba ako... Maski si Katsumi, hindi nakalimot.

Lahat sila ang sinasabi, move on. Oo, naroon na ako. Pero paano? Ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula. T.T

Biglang tumunog ang phone ko habang umiiyak na naman ako nang nakasubsob sa unan ko. Kinuha ko yun at agad binasa ang text.

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon