Hi readers! I know hindi ako naging active for the past weeks. Sorry, and I hope you guys understand na estudyante pa ako and busy lang talaga. ^^v
And thank you, for patiently waiting. Lahat ng comment niyo, binabasa ko. Wag niyong isipin na dedma ako. Hindi ko man kayo ma-reply-an isa isa, pero swear, nababasa ko lahat ng comments and messages niyo. :)
I want to dedicate this chapter to myforevergirl. Sobra lang akong na-overwhelm sa comment niya on Chapter 55. According to him, yes, HIM. A straight guy. 3rd KN story daw 'to na binasa niya AND... gumawa pa siya ng Wattpad account just for this. Nakakatuwa dibuuuh?! :)
Mostly, girls ang readers ko, and I don't know how many guys are reading this story too. Ni hindi ko nga alam kung meron eh. Kaya nakakatuwa lang na may guy na nagco-comment pa. Actually, pangalawa na siyang guy na nagparamdam sa story na 'to. So thank you... :) <3
Oh eto na... Sana ma-enjoy niyo. :)
_______________________________________________-
KATH's POV
Breath in, breath out.
Kaya mo yan Kath! Wew. Sht. Sht. Sht.
"Kaaaath! Ano ba? Ang gulo mo naman! Nakakahilo ka na. Girl, upo upo, pwede?" naiiritang pagsaway sa akin ni Kiray.
"Umiikot yung tiyan ko eh, parang natatae ako na hindi ko maintindihan." sagot ko habang patuloy na paikot ikot dito sa backstage. Hayyy, oo, pageant na. T.T At konting minuto na lang yata ang hinihintay at magsisimula na.
"Normal lang yan Kath. Kapag nasa stage ka na, mawawala rin yang kaba mo. Hindi mo na sila makikita." sagot naman ni Julia sa akin. Palibhasa kasi, lagi namin siyang pambato tuwing Intrams kaya sanay na sa stage yang babaitang yan.
"Alam niyo, kahit anong gawin niyong pagpapakalma sa akin, walang effect yan. Eh yung mga sigawan pa lang ng mga tao sa labas, dagdag kaba na eh. Hayys, ano ba yan oh, kaka-ihi ko lang, naiihi na naman ako."
"Yung make-up mo Kath... Wag kang masyadong gumalaw. Pagpapawisan ka lalo." Yen. Nakaayos na kasi ako and say what, sa opening pa lang, naka-sports attire na kami.
Umupo na lang ako para sa ikatatahimik ng mga kasama ko. Maya't maya, lumalabas sila para i-check kung dapat na ba kaming pumwesto. Hanggang sa...
"Breg, hindi nga pwede dito dahil puro babae lang dito." Napatingin kaming apat sa pinto.
"Si JC ba yun?" Julia. Agad din namang nasagot ang katanungan niyang yun ng bumukas ang pinto at niluwa ang magkapatid. Napako ang tingin ko sa kanya. Shet, ang gwapo lang po niya.
"Aiish, pasensya na. 'To kasing si kuya eh, nagpupumilit pumunta dito." agad na dipensa ni JC. At bakit naman siya pupunta dito?
Tiningnan ako nung tatlo, bigla silang ngumiti. Alam ko na ang mga mapang-asar na ngiting yun. Hay talaga naman. Kaya ayun, kanya kanyang palusot para maiwan kaming dalawa ni Dan dito.