Chapter 16.

19.8K 169 19
                                    

Eto na mga kapatiiiiiiiiiiiiiiiid! May sasabihin daw si Dan sa akin at hindi na ako makapaghintay! Hindi na nga ako nakatulog ng maayos kagabi eh.

Sasabihin niya na kayang... mahal niya ako?

Gaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahd! Hindi ko alam ang ire-react ko kapag nangyari yon!

Kailangan ko talagang paghandaan 'tong araw na 'to. Nararamdaman ko eh. Nararamdaman ko talaga! Eto na 'to ehhh!

"Kaaaaaaath! Bumaba ka na nga rito. Dyusme 'tong batang 'to oo. Kumain ka na, male-late ka na sa school!" Si Mama. Hahaha! Eh medyo natagalan kasi ako sa pagaayos. Minsan lang naman kasi eh, saka may maganda kasing mangyayari ngayon.

"Opo Ma, nandiyan na!" nagmadali akong bumaba at kumain. Nagpaalam ako at umalis na rin agad.

Mag-isa lang akong pumasok ngayon. Ehh. Wala na daw kasi si Dan sabi ni Tita e. Pumasok na daw. Ang saya saya ko lang habang naglalakad. Halos lahat tuloy ng makasalubong ko nginingitian ko. Pero syempre, yung kilala ko lang. Mahirap na. Hahaha!

Nakarating na ako sa school. Ang saya saya ko pa rin. Wala pa ngang nangyayari eh? Hahaha! Sorry kayo, masyado lang excited.

"Naks naman, ang saya nya ngayon. Hindi siya tulaley."

Nako, mukhang alam ko na kung sino yung nagsalitang yun.

"Hay nako Kats! Ako na naman ang nakita mo. Pwede ba? Wag mong sirain ang napakagandang araw na 'to." sabi ko.

"Grabe ka naman, kinausap lang kita, sinisira ko na agad araw mo? Saket ha!" tampu-tampuhan pa! Hahaha!

"Hahaha! Joke. Sorry, napasobra ata ako. Hahaha! Ehh, wala parang maganda lang kasi yung mangyayari ngayon araw na 'to." sabi ko.

"Bakit naman? Paano mo naman nasabi yon?" tanong nya.

"Wala. Hahaha! May sasabihin daw sa'kin si Dan. Parang, wala.. Nae-excite ako? May surprise? Nako, eh yung lalaking yun pa naman, once in a blue moon lang kapag may ginagawang ganon." sabi ko, at bigla naman siyang napaubo.

"Oh Kats, ayos ka lang ba?"

 

"Ah, oo. Oo naman! Ah eeeh. Ah, tungkol daw ba saan?" tanong niya ulit habang patuloy kami sa paglalakad.

"Ewan ko nga din eh. Hahaha!"

 

"Basta Kath, don't expect."

 

"H-huh? A-anong pinagsasasabi mo dyan??" tanong ko. Ang wirdo din kasi nito minsan eh.

"Wala. Sinabi niya ba sa'yo kung good news yun o bad news?"

 

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon