Chapter 18.

19K 151 38
                                    

"Pwede ba namang hindi ako makara--"

"Oh my gosh Daniel! Totoo ba 'to? I-I can believe this!"


O.O

Si-sino yun?! I was about to walk towards him but again...

I was shocked! Nilagpasan lang ako ni Dan! At pagtingin ko sa likod... Ibang tao pala ang hinihintay niya.

It's Jane.

Para akong binuhusan ng sandamakmak na yelo! Nanginginig ang mga tuhod ko, at nanunuyo ang lalamunan ko.

"I thought you wouldn't come! Kinakabahan na nga ako e. So, you love my surprise?" sabi ni Dan na kasalukuyang masayang kaharap si Jane.

"Oo naman! I really do! I really love this!"

Natulala ako habang pinagmamasdan sila. Everything went down. All my hopes turned into I don't know. Hindi ko ma-describe. Ang nararamdaman ko lang, parang tinutusok at hinihiwa ang dibdib ko... lalo na ang puso ko.

"So let's go?" sabi ni Dan kay Jane. Nang madaan niya kami.. Bumulong siya sa akin. "Kat-Kat! This is it! Wish me luck ha? Tara na dun!" then he left... with her.

Ako? Wala. Nanigas na ako sa pwesto ko. Nangingilid na ang mga luha ko, pero hindi ko mailabas. Para akong naaabnormal!

"K-Kath..." dahan dahang lumapit ang mga girls sa akin.

"No. I-I'm okay." I sighed. "Ta-tara dun? Ba-baka ma-missed natin ang... ang s-special event. D-Dan w-would be disappointed k-kung... kung wala tayo." sabi ko habang natutulala at pinipigilang umiyak.

"But Kath..." nang-gigitil ang mga ngipin ko sa sobrang gigil pero hindi ko magawang magsalita ng maayos. Naninigas ang leeg ko at hindi ako makagalaw. Isa-isa ko silang tiningnan bago magsalita.

"Okay lang ako." at naglakad na ako sa kinaroroonan nila Dan.

I walked poker faced. Alam ko ang mga girls, sinakyan na lang ako at kunwari, walang nangyari. They try to make themselves happy para mapagtakpan ang sitwasyon ko. Ang boys pa naman, kapag may napansin, inuurirat pa.

Nandito lang kami sa side, watching their romantic and perfect date. That was supposed to be me! But the thing is... AKO lang yata ang nag-iisip nun. AKO lang.

They are very sweet. Hinarana ni Dan si Jane... They are talking about each other's stuffs. Holding hands... and the like.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit... Basta ngayon, para akong bato na pilit gumagalaw para hindi maapakan. The next thing I did... I was the one taking pictures of their date.

Napakasakit na sa tuwing sisipatin ko ang bawat anggulo, hindi ako masaya sa nakukunan ko. Pero eto ako, nagpapakatanga. Tuloy pa rin!

"Kath! Anong ginagawa mo?!" sabi sa akin ni Kiray. Lumingon ako sa mga girls. Worried silang tatlo. Nginitian ko sila.

"Napaka-memorable kaya nito. Kaya dapat makunan!" sagot ko naman. Pero bago pa man ako bumalik sa ginagawa ko, nagtama ang mga mata namin ni Kats.

Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Pero ang mga tingin niya, iba. Yung tingin na alam mong seryoso siya. I smiled at him. Baka, nobo-bored lang siya.

Dahan dahan akong nadudurog sa sumunod na nangyari...

Lumuhod si Dan sa harap ni Jane. "Sa'yo ko lang naramdaman 'to Jane. And I hope you feel the same." Unti unti akong nanghina sa mga sinabi niya. Ni hindi ko na magawang pindutin ang camerang hawak ko. Hindi ako makahinga.

"Hindi ko planong magmahal agad agad... pero bigla ka na lang dumating sa buhay ko, at naramdaman ko yun."

Ang sakit. All my life, hinintay kong sabihin niya sa akin ang mga salitang yun... pero ni minsan pala, hindi niya napansin ang pagmamahal ko sa kanya na higit pa sa pagiging mag-bestfriend.

"Jane... Will you be...my... girlfriend?"

Napatingin ako kay Dan. From my peripheral vision, kita ko ang mga girls na nabibigla na sa mga nangyayari. Hindi na maipinta ang mga mukha nila. Ang mga boys naman, naghihiyawan na, maliban kay Kats na nakatayo lang at nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya.

Dan... Bakit? T.T

Right here, right now... Gusto kong sabunutan ang babaeng niluluhuran niya ngayon dahil alam kong niloloko at sasaktan lang niya si Dan. Pero hindi ko magawa... Bakit?

Siya kasi ang mahal ni Dan... Ang sakit... Parang pinupunit ang puso ko sa sobrang sakit.

"Will you, Jane?"

"YES!"

<////////////////////////////////////////////////////3

"I love you, Jane! Yeessss! Wohooooooooo!!"

"I love you too, Daniel!" and then they hug each other.

WOW.

I want to break down. Para akong may hinahanap na kung ano sa damuhan dahil hindi ko na alam kung anong posisyon ang dapat kong gawin para itago sa lahat na nasasaktan na ako. Na buong akala ko, eto ang araw ko. Ang araw naming dalawa.

Hindi ko na kaya... Hindi ko na kayang makita ang mga nangyayari ngayon... Sobrang sakit...

Pinilit kong ngumiti para man lang makita ni Dan, na masaya ako para sa kanya, kahit sa loob loob ko eh durog na durog na ako.

"One last shot, and I'm out." bulong ko sa sarili ko sabay click sa camera. Then I walked away...

________________________________________________________

Nalulungkot din ako habang tina-type ko 'to. :(((

Hahahahaha!!

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon