Hi! Hihihi. Thank you for loving my story...
IMPORTANTENG MABASA NIYO TO. PLEASE TAKE TIME TO READ. :)
Mawawala po ako ng ilang araw... I think 4 or 5 days? Mehehehe. Gonna enjoy the last days of my vacation with my family. So, do not expect me to update after this. Yun po. :)
Since ayoko namang iwan kayo basta basta, kaya nagUD ako ngayon. Love ko kayo eh. Hihihi. At para may aabangan kayo. HAHAHAHA!
Hi 143Lucky25! Para sa'yo tong chapter na to. Hihihi. Thank you for making me as your inspiration sa paggawa mo ng sarili mong story. Good luck! :">
Sige na, madaldal na ako masyado.
ENJOY!
___________________________________________
DANIEL's POV
Tinext ko si Katsumi. Sabi ko, magkita kami sa tambayan. Mas nauna akong dumating kaya naman nagkaron pa ako ng oras pa mag-muni muni.
Alam ko na lahat ng mali ko... At ayoko ring mawala ang mga taong mahalaga sa buhay ko.
"Anong meron Daniel?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Katsumi na yun, sigurado.
"Katsumi..."
"Magsusuntukan ba tayo ulit? Hahaha!" Nagtaka naman ako sa aura niya. Parang hindi siya galit sa ginawa ko sa kanya.
"Sorry breg."
That's it. Yun talaga ang pakay ko. Ang humingi ng tawad sa kaibigan ko.
This time, umupo siya sa tabi ko.
"Eh bakit mo ba kasi ginawa yun?" tanong niya ng normal lang.
"Kasi..."
"Nagseselos ka?"
Nanlaki ang mga mata ko, at napayuko na lang... Eh yun naman yung totoo eh. Natawa siya bigla.
"Bakit?" tanong ko. Umakbay siya sa akin bago nagsalita.
"Diba sinabihan na kita dati? Sabi ko naman sa'yo, hindi ako ang kaaway dito. Wala kang kaaway Daniel. Wala kang kaagaw at wala kang kakumpetensiya."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Dinamayan ko lang naman yung bestfriend mo Daniel eh. Alam ko namang matagal mo na ring napapansin yun. Kung ano man ang nakikita mo sa aming dalawa, sinadya ko yun para matauhan ka."