Another day to start! Papasok na ako ngayon sa school. At syempre hindi na naman kami sabay ni Dan! Tulog pa daw sabi ni Tita eh. HAHAHA! :)
"Ma, pasok na po ako." paalam ko kay Mama, sabay kiss sa kanya.
"Sige nak, ingat."
Ang saya saya ko namaaaaan!
Bakit? Anong meron? HAHAHAHA!!
Eh syempre, kilig vibes na naman!
- Flashback -
Nakatambay ako kina Dan kahapon, dun lang sa terrace nila. Eh nandun pala mga pinsan niya.
"Ikaw pala si Kath. Madalas kang nakkwento sa'min ni Daniel." sabi nung isa, Michael yata ang name.
"Oo nga eh. Bukambibig ka nga nun eh." sabat pa nung Jonas.
"Buti natagalan mo tong pinsan namin no? Nakooo! Saksakan ng ewan. Pakiramdam nga namin type ka nun eh. HAHAHAHA!" Michael.
"Type mo rin ba pinsan namin? Kung hindi, liligawan na lang kita ha? Ako nga pala si Drei." sabay abot ng kamay sa'kin.
Waaaaa. Ano ba 'to? Kikiligin ba ako sa mga pinagsasasabi nito o maloloko sa kanila? Eh nakapalibot ba naman sa'kin eh. T.T
"Hoy, tigilan niyo yan. Akin yan!"
O.O
Napalingon kaming lahat... Si Dan... Kunoot ang noo, at may dalang pagkain, kasama si JC.
"Chill bro. Ikaw naman di mabiro!" sabi nung Drei.
"Hahaha! Pagpasensyahan nyo na yan si Kuya, sensitive talaga pagdating sa bestfriend niya." JC.
"Woooo! Bestfriend nga lang ba? Wag mo nga kaming lokohin Daniel, alam namin pag in--"
"Tumahimik ka nga dyan Jonas! Gusto mo sirain ko buhay mo?!" Eh? -________-
At pinagtatawanan nila si Dan.
"Kat, sorry ha. Pagpasensyahan mo na 'tong mga 'to. Masyadong maloko eh." sabi niya sakin pagkatabi niya.
"Okay lang. Heheheh..."
"Dan, bro, papaalam ako sa'yo ha? Liligawan ko si Kath.. " sabat na naman ni Drei.
"Gusto mo manghiram ng mukha sa aso?" pagbabanta ni Dan.