Grabe lang talaga. Hahaha! Happy 10k+ reads! Super thank you!
Swear, mas mauunahan pa nito yung FILWYS sa dami ng reads. Hahahaha!
Uhmm, share muna ako. Dapat talaga nung Sunday, may UD ako. Kaso, nagkanda-leche leche yung net. Hindi ko pa nasa-save, eh ang dami ko nang na-type. Ayun, nawalan ako ng gana. HAHAHAHA!
Sorry naman.
Thank you sa lahat ng mga nagvo-vote at nagco-comment, pati sa mga nagpi-PM sa akin. Hihihihi!
Ang daming nagre-act sa pagka-jontis ni Jane! Hahaha! Sino ang batang ama?? =))))
Karamihan sa inyo, sinasabing hindi daw si Daniel! Eh hindi naman talaga, kasi si Daniel ang ama ng mga anak KO! Hahahaha! CHAROT. =)))) Feelingerang froglet lang ako.
Malay niyo naman si Daniel nga talaga! Hahahahaha!
NOTE: READ THIS CHAPTER VERY LIGHTLY.
Osya, basa na lang kayows! :)
___________________________________________________________
AUTHOR's POV
Nakanamaaaan! Gumaganun ako. HAHAHAHA! Game!
Isang linggo nang balisa si Kath. Hindi mawala-wala sa isip niya ang mga natuklasan niya. Kahit isa sa mga kaibigan niya, wala pa siyang pinagsasabihan tungkol dito.
Ikinabahala na rin ito ng barkada niya dahil kitang kita kay Kath ang biglang pagkatamlay, malilim na eye bags, mugtong mga mata at tila ba'y may napakabigat na problema dahil sa lagi na lang itong tulala.
Hindi nila alam na tuwing gabi, iniiyakan niya ito. Ayaw niyang mag-isip ng mali, pero hindi rin naman imposible na baka nga si Daniel ang ama ng pinagbubuntis ni Jane.
Sa school, para siyang invisible. Para siyang present na absent. Wala siyang kinakausap at palagi lang itong nakaupo at tulala. Sa tuwing makikita naman niya si Jane ay tinititigan niya ito ng masama. Hindi niya maitago ang galit. Marahil ay dahil siya ulit ang nakatuklas sa mga lihim ng karibal niya kay Daniel.
Walang ibang nakapitan si Kath kundi ang isang taong lubos na nakakaintindi sa pinagdaraanan niya. Si Katsumi. Sa lahat ng kaibigan niya, si Katsumi lang ang madalas niyang nakakausap at napaglalabasan ng sama ng loob. Laking pasasalamat na lang niya dahil kahit walang alam si Katsumi sa nangyayari ngayon ay dinadamayan pa rin siya nito. Mas madalas nga magkasama na sila. Minsan, lumalabas labas din sila ng hindi alam ng barkada. Yun lang kasi ang naiisip na paraan ni Kath para mabawasan ang lungkot na nararamdaman niya.
Ang hindi nila alam... may isang tao na nakatingin lang sa malayo... na nasasaktan.
KATH's POV
Forever alone. Nganga. Laslas. Bigti. -.-
Ayoko na ng ganito. Hayyy. Akala ko naman, happy moments na, yun pala, may hadlang pa rin. Ganun na lang ba sa tuwing sasaya ako? May kapalit agad na lungkot at sakit?
OA ko ba? Naunahan agad ako ng takot e. Takot na malaman ang totoo. Oo, matapos kong malaman yung kay Jane, lumayo ulit ako kay Dan. This time, pinanindigan kong lalayo talaga ako. Gusto kong mag-isip, gusto ko munang mag-break sa sakit.