Uwian na, at dumiretso kami nina Julia sa office ni Mr. Salazar. Si Dan? Ayun, sabi niya, may basketball daw sila. Varsity kasi sila eh. Hintayin ko daw.
"Girls, pinatawag ko kayo kasi kayo na ang 4th year ngayon. Meaning, in-charge na kayo sa mga activities na dapat i-cover para sa school paper natin. Since, iba't iba naman ang naka-assign sa inyo, hindi na tayo mahihirapan." sabi ni Sir. Mark. Tawagin daw namin siyang ganun para hindi daw halata na nagkaka-edad na siya. -____-
Nakikinig naman kaming mabuti sa mga sinasabi niya.
"I want you too look for more writers para sa org na 'to. Tapos, magkakaroon din ng screening. So kayo ang in-charge sa paghahanap according to your category."
Lahat naman ng information na pinagsasabi nya, sinusulat namin sa mga notebook namin.
"Kathryn, ikaw, dapat marami kang mahanap. Konti lang kasi kayong nagpho-photo journ eh. Alam niyo namang maraming activities ang school. Photos are very important, remember that."
"Sige po Sir Mark, pipilitin ko pong makahanap ng marami. Nahihirapan na rin po kami minsan ng team kasi konti lang kami, kaya yung ibang important events di namin nakukunan."
"Good, aasahan ko yan, and one more thing ladies. Since 4th year naman na kayo and last year niyo na. I want the four of you to make a paper for the whole batch. Dapat may remembrance kayo. At dahil last year na ng magagaling kong staff, dapat may souvenir din ako sa inyo."
Hayy, 'tong si Sir, nagddrama!
"Sir Mark naman, matagal pa yun! Ikaw talaga!" sabi ni Yen na natatawa.
"Ah, basta, kayo na bahala dun. Kaya Kath, you have to look for a batchmate na pwede mong maging kapartner to take pictures! Syempre, hindi pwedeng sa klase nyo lang maraming picture no. Gegerahin ako ng mga taga ibang section."
Nagtawanan kami.
"Kayo rin Kiray, Julia and Yen, you have to do the same, para buong 4th year ang sakop."
"Yes Sir!" sabi naming apat.
"Edi Sir, kukuha na lang po kami ng representatives each section, tapos kokoletahin at aayusin na lang namin." sabi naman ni Julia.
"Sige, if that's what you need to make your assignment perfect! That's why I love you guys, nag-iisip agad!" tuwang-tuwa na sabi ni Sir Mark.
Nagtatawanan na naman kami. Nagpaalam na kami sa kanya para maka-uwi na.
"Sige mga anak, ingat sa pag-uwi ha? Ang gaganda niyo pa naman. Yung assignment niyo ha? Di ko pipirmahan clearance niyo pag pamali-mali yun." pagbibiro niya sa amin.