Chapter 9.

20K 171 8
                                    

Kumakain kami ng dinner ni Mama ngayon kasama yung kapatid kong maliit pa. Hindi ko pala nabanggit sa inyo, may 7 years old akong kapatid na siga. Hahaha! Si Carl, ang baby brother ko. Si Daddy naman, nasa ibang bansa eh. So much for that. :)

Tulaley na naman ako. Kung nandito siguro si Katsumi, malamang inaasar na naman ako nun.

"Oh anak, tulaley? Di mo na ginalaw pagkain mo." ayyy. Wala nga si Kats, si Mama naman.

"Ano bang iniisip mo dyan ha?" tanong pa ni Mama.

"Iniisip po si Kuya Daniel." napatingin ako sa kapatid ko.

"Pssst huy!" tapos pinandilatan ko siya ng mata. Epal eh. -____-

Natawa na lang si Mama sa amin. Pero yung tingin at ngiti sa'kin ni Mama.... Waaaa! May laman!

"Hmm, oo nga Kath, bakit parang nitong mga nakaraang araw, hindi na kayo madalas tumatabay dito sa bahay? Hindi ka rin naman nagpupupunta sa kanila.."

"Eh magkasama naman na po kami sa school eh. Baka mamaya niyan magkapalit na kami ng mukha. Hehehe." -___- sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Wag ka maniwala dyan Ma.. In love yan kay Kuya Daniel!"

"Huuuy, ang epal mo! Bestfriends kami nun no! Imposible." Waaa. Feeling ko pulang pula na mukha ko. O////////////O

"Kayo talaga. Pero alam mo Kath, ang gwapo na niya ngayon no? Eh samantalang dati jusko, daig pa ang batang kalye sa dumi." natawa na lang ako kay Mama. Naiisip ko na naman tuloy yung mga childhood memories namin.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi ni Mama, pero nagulat ako sa huli niyang sinabi.

"Alam mo nak, bagay kayo." Talaga? :D

"Ano ba yan Ma!" pakunwari pa ako pero gusto ko naman. Shunga? :s

"Sus si Ate pakunwari pa, gusto naman!" Oo na nga eeh. Huhuhuhu!

"Tumahimik kang kutong lupa ka dyan ah!"

"Nak, may problema ba kayo?" napatingin na lang ako kay Mama.

"W-wala naman Ma.."

"Woooo! Kita kita nung isang gabi eh, umiiyak ka hinahampas hampas mo pa yung teddy bear na binigay niya sa'yo." Carl.

"Tragis kang bata ka, tapon kaya kita no?" -_______- Parang gusto ko ng matunaw. Nabubuko ako eh.

"Nak ano?" napayuko na lang ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi.

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon