Chapter 2.

25.2K 208 13
                                    

First day of school ngayon at finally, 4th year high school na ako! Graduating na! Pero ang kinakalungkot ko eh, malapit na pala kaming magkahiwa-hiwalay ng mga friends ko.

Aissh! Hindi ko na muna iisipin yun, matagal pa yun. 1st day pa nga lang oh.

"Ma, pasok na po ako ha?" paalam ko kay Mama pagtapos kong kumain.

"Sige Kat, ingat ha?" tapos humalik na ako sa kanya.

Paglabas ko ng gate, sakto namang labas din ni Dan-Dan sa bahay nila. And to my surprise, na-starstruck na naman ako sa kanya.

Bakit ba tuwing nagbabakasyon, laging may transformation sa kanya? Binatang binata na ang itsura niya. Hindi na siya batang uhugin. Ang gwapo gwapo na talaga niya, kaya ako lalaong nahuhulog e.

"Kat-Kat! Sakto aa! Sabay na tayo pumasok." sabi niya habang papalapit sa akin. Eeeeh. Ang pogi.

"Haha! Oo nga eeh. Payakap nga sa bestfriend kooo! Na-miss na naman kita eeee!" damoves ko e nu? Hahaha! Jk. Pa'no kasi, kahapon lang yan umuwi galing probinsiya. Dun siya nagbabakasyon eh, tapos di pa kami nakapag usap gano kahapon.

"Ikaw talaga Kat-Kat! Yaan mo maya pag-uwi, tambay ako sa inyo." tapos hug din niya ako, tapos binubuhat-buhat pa. ;"""""">

"Sabi mo yan Dan-Dan ha?" tapos bigla kaming nagkatitigan. 

Dug.Dug.Dug.Dug.

Agad akong umiwas ng tingin at kumalas sa yakap. Nakakahiya kasi eh, baka mahalata niya.

"Eh, oo naman noh! Na-miss ko rin naman yung bestfriend ko eh." at naglakad na kami. Mga 15-minute walk lang naman kasi ang layo ng school sa subdivision namin eh.

"Hoy Kat-Kat, balita ko kay Tita may mga manliligaw ka na daw aa?" parang pagalit pa niyang tanong.

"Marami nga, hindi naman ikaw..."


[A/N: Yung mga italicized words po ay mga pabulong na sinabi ng characters. =)]

"Anong sabi mo?"


"Sabi ko, dadaan muna sila sa'yo. Nakakainis nga eh, bigla na lang nawawala. Pa'no natakot sa'yo. Yan tuloy, 4th year na tayo't lahat, di man lang ako nagka-boyfriend." sabay pout ko.

"Ah, ipagpapalit mo na ako? Ganyanan na pala Kat-Kat!" awww! Ang cute cute niya. Timang ka ba Dan? Kaya nga hindi ako magka-boyfriend dahil hindi mo naman ako nililigawan eh!

"Ang drama mo Dan-Dan! Hindi ko sila type! Wala akong type sa kanila. Kasi ikaw lang naman ang type ko eh."


"Ha?"


Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon