Chapter 25.

21K 161 10
                                    

Ilang araw pa ang nagdaan, patindi ng patindi ang sakit na nararamdaman ko. Daig ko pa ang tunay na may sakit. Sa bawat araw, akala ko masasanay na ako, pero hindi eh. Sa bawat araw, lalo lang akong nahihirapan. Achievement ko na ngang matatawag kapag nakakatagal ako ng isang araw na makita silang masaya.

Wala naman akong ibang choice diba? Alangan namang sabihin ko diba? Kapag ginawa ko naman yun, mas lalo akong walang mapapala. Kung ngayon nga parang hindi na kami magbestfriends, what more kung aminin ko pa?

Hayyy. Nalulungkot talaga ako. Given na na mahal ko siya. Nalulungkot ako kasi, pakiramdam ko nawalan ako ng kaibigan - ay mali, nawalan pala talaga. Ang hirap lang kasing tanggapin eh. Talaga bang dapat pati pagkakaibigan namin maistorbo dahil lang may girlfriend na siya?

Nami-miss ko na siya. T.T

Yung dating kami... Ngayon, nare-realize ko na, kahit pala hindi kami magkatuluyan ayos lang sa akin. Ang importante, walang nagbago sa relasyon namin. Kaso eto... LAHAT nabago. Ang nararamdaman ko lang ang hindi. :(

"Alam mo kung paanong wag masaktan?"

Napalingon naman ako sa nagsalita. Yung kapatid ko, si Carl. Nandito kasi ako sa garden, hawak ang photo album ko na puno ng pictures namin ni Dan mula pa nung pagkabata.

"Wag mo ako pagtripan Carl. Wala ako sa mood e."

"Simple lang naman Ate Kath eh."

"Carl, pwede ba?" Tss. Ang kulit ng batang 'to.

"Wag kang magmahal ng taong kaibigan lang ang turing sa'yo."

O.O

Nanigas ako sa sinabi niya. Kapatid ko ba talaga 'to? Pagkasabi kasi niya non, parang bull's eye sa puso ko eh. Kung pwede nga lang eh, kung pwede nga lang na WAG na lang mahalin, pero mapipigilan ko ba?

"Carl, hindi mo naiintindihan. Masyado ka pang bata para sa ganito. Tama na sigurong alam mo na in love ang ate mo. End of story." bukod tanging kong nasabi.

"Kanino ka in love? Sa taong walang pake sa'yo?"

Namuo ang luha sa mga mata ko. Buti na lang wala si Mama at nag-grocery. Ang sakit!

"WALA KANG ALAM! KAYA PWEDE BA? TANTANAN MO AKO! HINDI MO NAIINTINDIHAN AT HINDING HINDI MO MAIINTINDIHAN ANG NARARAMDAMAN KO! ALAM MO KUNG WALA KANG MAGANDANG SASABIHIN SA AKIN, MANAHIMIK KA NA LANG!"

"Siguro nga ate, pero hindi mo matatago ang katotohanan! Na kahit umiyak ka pa ng umiyak, kung wala naman siyang pake sa'yo, nganga lang ang abot mo! Wag kang bopols Ate!"

Lalo akong naiyak. Tama! Tama naman siya eh. Ang hirap tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Ang hirap tanggapin na hindi ko mababago yun!

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon