"Tumigil ka na nga Kathryn! Pepektusan na kita sa bunbunan e!"
"Huy Kiray, dahan dahan naman! Tingnan mong umiiyak na nga yung tao eh." Yen.
"Eh kasi naman no--"
"Oo na, alam kong tanga ako! Tanga ako pagdating sa kanya! Hindi ko rin alam. Bakit nga ba ganun? Nagtatampo ako diba? Pero marinig ko lang pangalan niya, nawawala. Nakakainis na!" Pinutol ko na ang sasabihin ni Kiray dahil alam kong bull's eye na naman ako sa sasabihin niya.
Nakiusap ako kay Julia na kung pwede ay tumambay ako sa bahay nila dahil wala akong makausap at gusto ko na namang maglabas ng hinanakit sa napaka-drama kong buhay. Tinawagan na rin niya si Yen at Kiray para masamahan ako.
"Alam nyo yung feeling na, sobra ka nang nag-aalala na kulang na lang makalimutan ko nang magtsinelas makarating lang agad sa bahay nila, tapos yun ang madadatnan ko? Tapos ang reaksyon niya lang ay SINO YUN?!!! Lakas makabigti mga ateng! Laslas! Huhuhuhuuuuu!" nakakailang rolyo na rin ako ng tissue sa kakaiyak ko.
"Kath, wag mo nang masyadong isipin si Dan. Kaya hindi ka makausad kasi siya pa rin ang laman ng isip mo eh." Julia.
"Yun na nga Juls eh. Yun na nga ang problema. Kahit anong gawin ko, siya pa rin ang nasa isip ko. Ang hirap alam niyo ba yon? Yung gusto mo na siyang kalimutan pero paano? Paano kung lagi ko rin siyang nakikita? Tingnan niyo nga oh, ngayon pa lang. Parang hindi na kami magkaibigan. Ano na bang gagawin ko?!!!!"
Napabuntong hininga na lang yung tatlo kong mga kaibigan dahil hindi na rin nila alam ang gagawin o sasabihin para matulungan ako.
--
Back to school.
For me, its back to hell.
Bakit?
Cos this is were I experienced it. This place define what hell is.
Torture!
Everything became AWKWARD between the two of us. Hindi ko rin alam kung bakit eh. Iniiwasan niya yata ako. Hindi ako naga-assume, pero kasi, kanina pa kami nagsusulyapang dalawa eh. Tingin, iwas, tingin, iwas.
"Eh Kathryn at Daniel, kung mag-usap kaya kayong dalawa?! Hindi yung sulyapan kayo ng sulyapan dyang dalawa? Ano kayo? Inlab?!" Lester.
O.O
Shet. Nahalata pala ni Lester! Nagtinginan tuloy ang barkada sa amin. Buti na lang wala si Jane dito. Wew!
"Hoy ano, magtitinginan na lang ba tayong lahat dito? Yung totoo nga Kath at Daniel, magkaaway ba kayo?" tanong pa ni Lester sabay akbay sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Matututuhan Mo Rin
Fiksi PenggemarMatuturuan ko ba ang puso mong mahalin ako? - KatKat