Chapter 60.

18.2K 236 60
                                    

Hi everyone! Miss me? Charot. Hahaha!

Una sa lahat, salamat salamat salamat sa patuloy na pagbabasa ng storyang 'to. Hindi ko akalain na aabot 'to sa 200k+ reads. Thank you talaga!

Pangalawa, SORRY kasi ang tagal ng update ko. Sobrang busy lang talaga sa school. Ngayon lang ako nakapahinga talaga. Actually medyo sabaw pa nga ako ngayon eh.

SANA MA-ENJOY NIYO YUNG UPDATE KO NGAYON. HUHUHUUHUH.

As I have promised... This one's for you, LovelotsIya! :)

____________________________________________________________

 KATH's POV

Tapos na! Tapos na ang pageant. Panalo kaming dalawa. Tapos na nakakapagod na rehearsals. Tapos na ang pag rampa, ang pag ngiti ng matagal, ang pagpapa-cute. Lahat yon nagbunga ng maganda.

At ipagpapasalamat ko ang lahat ng yon, SA PAGEANT NA 'TO!

Kasi... Hindi lang korona, sash at malaking boquet ang napanalunan ko. Kundi pati na rin ang puso niya - ang puso ng bestfriend ko, ni Daniel.

Waaaaa. Totoo ba 'to? Hindi ako makapaniwala eeh. Hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko. Mahal niya ako. Mahal niya rin ako.. Huwaaaa.

Parang umiikot pwet ko na ewan. Hindi ako mapakali! Gusto ko tumalon, gumulong, tumumbling, kumembot. Waaaaaaaa. Cloud 9!!

"Kat-Kat.."

O.O

Hindi ako makalingon. Sht, bayan oh!

"Huy girl, tara na uwi na tayo! Okay na mga gamit mo, naayos ko na." sabi naman ni Kiray. Ngumiti lang ako at tumango. Wew, buti nagsalita si Kiray, may dahilan ako para maka-iwas.

"Nice one, Madam." bulong ni Kats pagkadaan niya sa harap ko. Lahat kasi sila tinitingnan ako nang mapang-asar eeh. At alam kong kaya hanggang dun lang sila ay dahil gusto nila kaming bigyan ng moment ni Dan.

Kanina pa mga nang-iiwan eeh.

"Uh, Kat-Kat... Tara?" napalingon ako. Nagkatinginan kami pero nag-iwasan din agad. Napakamot na lang siya sa ulo, at ako naman, kunwari may inaayos na naman sa bag. Aiiish. Bakit ba nakakailang? Huhuhu. 

"Si-sige."

Sabay kaming naglalakad, pero ni isa sa amin, walang nagsasalita.

Magkakatinginan kami, mag-iiwasan ng tingin, at parehong nagpipigil ng mga ngiti. Kaming dalawa na lang ang naglalakad. Hindi ko na alam kung nasaan na ang mga kasama namin.

"Congrats sa'tin Kat-kat.." nahihiya niyang sabi.

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon