Chapter 22.

19.8K 141 12
                                    

Ilang araw din akong namalagi lang sa bahay. Hindi pa kasi ako okay. Gusto kong mag-ipon muna ng lakas ng loob at para na rin walang makahalata. Ang sikreto kong 'to ay umiikot lang sa amin ng mga girls, at syempre kay Katsumi na bukod tanging nakapansin sa nararamdaman ko para kay Daniel.

At dahil naurat na ako dahil nakatengga lang ako sa bahay, naisipan kong lumabas. Tutal sabi na rin ni Mama, walang katuturan ang pagmumukmok ko. Eh sa totoo lang kasi, natatakot lang ako kapag bigla kong nakaharap si Dan. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong sabihin o gawin sa harap niya.

"Ma! Labas muna ako ha!" sigaw ko.

"Sige nak, wag lang papagabi." bilin naman niya.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta, gusto ko lang talagang lumabas. Hahaha! Dire-diretso ako at pagbukas ko ng gate...

O.O

-______________-

T.T

<//////////////////////3

Nakita ko lang naman ang mag-jowa. Sobrang sweet. Nakabukas ang gate nila, at tanaw na tanaw mo ang terrace. Si Jane, nakaupo sa pasimano habang si Dan, nakaakap sa kanya.

Wow ah. Eto agad ang sasalubong sa akin. Hindi ko alam pero parang lahat ng pinag-ipunan kong lakas ng loob ng ilang araw eh saglit lang pala. Parang nanginginig ang mga tuhod ko, at pakiramdam ko, balde baldeng luha na naman ang lalabas sa mga mata ko.

Bakit ganito? Kailan ba ako magiging handa na harapin ang katotohanang may mahal na siyang iba!?

Para akong napako sa kinatatayuan ko at nakakatitig lang sa kanila. Hindi. Hindi ko kaya 'to. Hindi ko na 'to dapat pang makita at hindi ko na dapat pang tingnan. Hindi, dahil ako lang naman ang naaapektuhan, ako lang ang nahihirapan.

Patakbo na sana ako kaso...

"Kathryn!"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko....

Si JC.

Nice timing brader! Bakit ngayon pa?!

Napatingin na rin sina Dan at Jane sa akin, at ako naman eto, pinipilit magmukhang okay sa harapan nilang tatlo.

"Tagal nating nawala ah? Anyare?" tanong ni JC habang pumwesto sa may gate nila.

"Ah-eh, nagpahinga lang ako kapatid! Me-medyo hindi maganda pakiramdam ko nitong nakaraang araw eh." sagot ko naman. Papalit palit ang tingin ko kay JC at sa gawi nila Dan at nakikita ko na nakatingin lang si Dan sa akin. Expressionless. Ang masakit pa sa tanawing nakikita ko, magkaakbay sila!

"Ganun ba? Okay ka na ba ngayon?" tanong naman ni JC. Tanong na napakahirap sagutin.

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon