Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Namalayan ko na lang, nasa isang mapayapang lugar ako. Sa dulo, may nakita akong puno, agad kong pinuntahan yun at nakita ang napakaraming bulaklak. Nanlaki pa ang mata ko nang may makita akong maliit na ilog doon.
Umupo ako sa may puno. Kinuhaan ang lahat ng magagandang bagay na nakikita ko roon. Pero sa bawat kuha ko ng litrato, pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Sa bawat silip ko kasi sa camera para sipatin ang magandang view, ang lagi kong nakikita ay ang mga pangyayari kanina.
Sinubukan kong kumuha pa ng ilang mga litrato, pero parang kahit ang mga iyon, bumabagay sa nararamdaman ko. Hayyy...
Bakit ba kailangan pang mangyari ng mga ito? Parusa ba 'to? Unti unting nangingilid ang mga luha ko, pero hindi ko alam kung paano sila ilalabas. Gusto ko man kausapin ang sarili ko, pero ni ang bibig ko hindi kaya gumalaw. Eto lang ang gusto ko ngayon, ang mapag-isa. Tutal, ngayon alam kong mag-isa na lang ako.
Gusto kong kalimutan, pero paulit ulit sa utak ko ang lahat lahat. At lalo lang akong nasasaktan. Paano na ang bawat bukas ko? Magiging malungkot na lang ba ako? Masasaktan na lang ba ako parati? Paano?
*click *click
Napalingon ako sa gawing kanan ko ng makarinig ako ng tunog ng camera. Nagulat ako sa taong nasa harap ko...
"K-Katsumi?"
"Girl tulaley, bakit para namang gulat na gulat ka?" tanong niya sabay kuha ng mga litrato sa akin tapos sa paligid.
Agad kong pinunasan ang luha sa gilid ng mata ko bago pa niya mapansin. "Ba-bakit ka nandito? Paano mo nalamang nandito ako? Baki ka umalis? Diba nagkakasiyahan kayo don?" tanong ko.
"Dinala lang ako ng mga paa ko sa lugar na maraming magagadang anggulo." sagot niya at patuloy sa pagkuha ng litrato. Ngayon ko lang nakita si Katsumi na ganon. Napaka-seryoso.
"M-mahal mo rin ang photography?" Napatigil siya at bahagyang natawa. Umupo siya sa tabi ko bago sumagot.
"Oo. Hindi ko lang nababanggit sa inyo." Wow. Akalain mo yun, may hindi pa pala kami nalalaman sa taong 'to. Palibhasa ang alam lang namin, puro siya kalokohan.
"Eh ikaw? Bakit ka nandito?" tanong naman niya. Nanantili akong nakatingin sa kawalan. Hindi ako makasagot ng diretso. Nahihirapan ako.
"Nakita mo ba yung nag-iisang bulaklak doon?" tanong ko sa kanya habang tinuturo ang bulaklak na tinutukoy ko. Tumango siya at kinunan pa ito ng litrato.
"Napakaganda niya no? Napakagandang kunan. Pero kung sisipatin mong mabuti, kahit namumukadkad siya sa ganda, mukha siyang malungkot kasi nag-iisa siya. Samantalang yung ibang mga bulaklak, naroon, malayo sa kanya.. At sa bawat ihip ng hangin, makikita mo na masaya sila dahil magkakasama sila."
Naiwan naman ang titig ko sa mga bulaklak na nagkumpulan sa kabilang dako. Na-realize ko, hindi literal ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan ko.Si Katsumi naman, nahawa na sa akin at nakatitig lang sa kung saan.
"Kath... Sinabi ko sa'yo na dinala ako ng mga paa ko sa lugar na maraming magagandang anggulo. Dito ako napunta, at sa di sinasadaya, nandito ka. Ibig sabihin, kasama ka sa magagandang anggulong yun."
Dahan dahan kong nilingon si Katsumi. Hindi ko alam ang sinasabi niya. Pero sa loob ko, parang may nagsasabing... ilabas ko na lahat ng nararamdaman ko. Pero nanatiling tikom ang bibig ko
"Pwede ka namang umiyak Kath kung gusto mo. Hahayaan lang kita." nagulat ako sa aura ni Kats ngayon. Ibang Kats ata 'to eh. At paanong... alam niya?
"A-anong ibig mong sabihin?" pagkukunwari ko pa.
"Hindi ako manhid tulad niya. Malabo lang ang paningin ko, pero hindi ako bulag."
"Kats.." unti unti namuo ang luha sa mga mata ko.
"Alam ko ang pakiramdam. Naranasan ko na rin yan noon. Kahit naman lagi kitang inaasar sa classroom, kaibigan kita. At kung kailangan habang buhay na akong mag-seryoso para matulungan kita gagawin ko."
Pumapatak na ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Para akong batang inagawan ng laruan habang paulit ulit na binabanggit ang Kats... Hindi ko kasi inexpect na may taong nakakaintindi pa ng lubos sa nararamdaman ko ngayon.
Nang hawakan niya ang balikat ko. Ayun na! Bumigay na ang balde balde kong luha na kanina ko pa gustong pakawalan.
"Kats, ang sakit sakit! Bakit ganon? Kahit kailan ba hindi niya ako napansin? Hindi niya ako nakita? All this ako yung nasa tabi niya. Lahat na ginawa ko para ako ang makita niya pero hindi ko alam napakalayo pa rin ng tingin niya! Ang sakit Kats! Akala ko ako na yung babaeng magiging masaya ngayong araw na to! Pero bakit eto ako ngayon? Nasasaktan? Araw araw tinitiis ko ang mga nararamdaman ko para sa kanya, pero ano? Wala... Wala nang silibi lahat! Araw araw umaasa ako, pero paano na ngayon? Ang sakit Kats... Sobra!! Mahal ko siya Kats! Hindi niya ba kayang maramdaman yun sa akin?!!" Lahat yan, pahagulhol kong sinabi.
Niyakap ko si Katsumi. Hinahayaan niya lang ako sa lahat ng gusto kong sabihin. Walang mga sumbat, walang sermon. He just let me.
Nang mapagod ako, nakaakbay siya sa akin. At ako, nakasandal sa balikat niya.
"Kats... Paano mo nalaman na mahal ko si Daniel?" tanong ko.
"I also fell in love with my bestfriend. Lahat ng nararamdaman mo ngayon, naramdaman ko na rin noon. Mula nung nagkakilala sina Daniel at Jane, ikaw ang una kong tiningnan. And I never get wrong... Kung paano ka kumilos at umasta, ganyang ganyan din ako noon. Natutulala, palaging napapaisip."
"May ganyang kwento pala ang buhay mo Katsumi? Bakit ngayon mo lang sinabi? Edi sana..."
"Kath, kahit sandamakmak na salita pa ang sabihin ko sa'yo. Hinding hindi nun madidiktahan ang puso mo."
Natigilan ako. Ibang Kats talaga yung nandito.
"Nakakatawa Kats no? Tingnan mo yung bulaklak na tinuro ko sa'yo. Parang ako. Namumukadkad nga, pero malungkot, at nag-iisa. Pero alam mo ba?" nagsimula na naman akong umiyak. "May isang bagay lang kaming pinagkaiba."
Hinigpitan niya ang akbay niya sa akin as a sign ng pagpapakalma niya.
"Nanatili siyang namumukadkad kahit nag-iisa siya. Pero ako Kats? Unti unti na akong nalalanta." And again, I break down.
"Don't worry Kath... Nandito lang ako sa tabi mo. Alam ko the girls will know everything about what happened today, pero gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi lang yung tatlong kire na yun ang kaibigan mo. Ha?"
Medyo na tawa pa ako at hinampas siya ng mahina sa braso. "Kats naman ee..Loko ka talaga! Hindi kire yung mga yun!" sabi ko in between my sobs.
"Pinapatawa lang kita."
We stayed there. At hinayaan akong ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Thanks to him. Thanks to Katsumi.
_______________________________________________________________
Ang sakit sakit! Hahaha! Nahuhurt din ako habang tinatype ko to...