Hello! Hihihi! Ganado ko mag-UD dito ehh. Sarap mag-UD pag may nagco-comment. HAHAHA!
Enjoy!
______________________________________________-
Saturday ngayon. Nagkayayaan ang buong barkada para lumabas pero hindi ako sumama. For sure hindi ko rin magugustuhan ang makikita ko. Ayokong maawa sa sarili ko, at ayokong magpanggap na okay lang ako.
Alam ni Mama ang nangyari. Galit na galit nga at gustong sumugod sa school para kausapin si Jane para daw mapa-expel na. Haha! Kaloka diba?
Paano ko ba matatanggi, napansin ni Mama na namumula ang pisngi ko, AT nakita niyang basag ang camera ko. :( Hindi rin naman kayang magsinungaling ni Katsumi kaya ayun, nakwento na niya.
As usual, tulong tulong na naman sila para pakalmahin ako dahil umiyak na naman ako ng umiyak.
Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko with all the stuffs na binigay sa akin ni Daniel and some other memories.
Yung teddy bear na binigay niya na magte-10 years na sa akin na hanggang ngayon wala pa ring pangalan na lagi kong katabi sa pagtulog... Yung mga sulat niya sa akin kapag nasa probinsya siya... Yung mga photo albums namin na punong puno ng mga pictures namin mula pagkabata...
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
NAMIMISS KO NA KASI SIYA EH. NAMIMISS KO NA ANG BESTFRIEND KO.
Oo, mahal ko siya. Pero may mahal siyang iba. Mahirap, pero kaya ko namang tanggapin e. Kaso... Kapalit ba ng pagmamahal na yon ang mawala siya ng tuluyan sa akin? Hayyy...
Sa bawat paglipat ko ng pahina ng mga photo album, iba't ibang alaala ang bumabalik sa isipan ko. Mga alaalang dahilan kung bakit ko minahal at patuloy na minamahal ang bestfriend ko. :(
*Tok tok!
Napatingin ako sa pinto at agad na pinunasan ang luha sa mga mata ko sabay sabi nang... "Bukas yan." at isa-isa nang niligpit ang mga gamit sa kama ko.
"Anak, may bisita ka." sabi ni Mama.
"Ahh, sino po?" sabay harap ko.
O.O
"Sige nak. Iwan ko muna kayo ha. Mukhang kailangan niyong mag-usap eh. Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan kayo."
"Ahh. Si-sige po Ma." sabay sarado ni Mama ng pinto.
Okay awkward.
Eh sino ba yung bisita? Edi si...
"Kath--"
"Oh Daniel, a-anong ginagawa mo di-dito? Di-diba may lakad ang barkada?" nauutal pa ako.