TAKE TIME TO READ THIS...
Gusto ko lang mag-react. Honestly, natatawa at naloloka ako sa mga Kathniel fans. Hahahaha! Saludo ako sa matindi nilang pananaliksik at napaka-talas na mga mata para may ma-UD lang sa sambayanang Pilipino. Lol. Ultimong yung lock screen ni Kath at yung code, nakita diba? Pinanuod ko, at hindi ko talaga bukod akalain na mapapansin pa yon. Hahaha! Pero mas naloka talaga ako sa mga KN fans na...
Pati yung ehem ni Dedge, pinapansin pa. HAHAHAHAHAHAHA!!
Gulong talaga ako habang nags-stalk ako sa Tumblr. Tapos may mga pictures pang pinagsama-sama just to prove na hindi small ang underwear niya. Hahahaha! Sht. Sorry, nakakaloka lang talaga. Enebeeeh. Hahaha.
Basta ang payo ko lang.. Do not go beyond the lines, okaaay? :)
Hi ANNEBATMAN26! Nakakatuwa naman yung SONA mo sa Chapter 49. Hahahaha! Thanks! This one's for you. :)
____________________________________________________
DANIEL's POV
Lahat ng nangyari 1 week ago, sariwa pa rin sa utak ko. Lahat ng nakita at nalaman ko, paulit ulit lang sa isip ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon.
"Jane, umpisa pa lang, alam mong maling mali na. But I gave you the chance right? Ilang pagkakataon ang binigay ko sa'yo para itama yang mga mali mo, pero anong ginawa mo? Ha? ANONG GINAWA MO?!!!"
"Ginago mo ko e! Ginago mo kaming lahat! GINAGO MO ANG BESTFRIEND KO!"
Yung galit ni Kath, yung mga sinabi niya, yung ginawa niya nung araw na yon... Lahat yon, isang malaking sampal sa akin.
Hindi ko kasi matanggap lahat. Hindi ko matanggap na niloko lang ako ng taong minahal ko ng totoo, at hindi ko rin matanggap ang maling nagawa ko sa bestfriend ko.
Nung mga oras na nakikipag-away si Kath, hindi ako makapag-react ng maayos. Natutulala ako sa kanya. Hindi ko akalain na all this time, kapakanan ko lang ang nasa isip niya.
That moment, na-realize ko ang napakalaking pagkakamali ko. NA HINDI KO PINAGKATIWALAAN ang bestfriend ko.
Yung iyak ni Kath... Tumatak sa isip ko... Ako ang rason ng mga luhang yon. Ako rin ang dahilan ng gulong yon. Hindi na naman kasi mangyayari yun kung nakinig ako sa kanya eh. Hindi siya tumigil ng kakakumbinsi sa akin, pero ako? Tss, naniwala sa hindi dapat paniwalaan.
Tama si Kath... Ipagpapasalamat ko pa sa kanya ang lahat.
Ipinagtanggol niya ako umpisa pa lang... Pero anong ginawa ko? Nagpaloko ako.
Ang sakit lang. Ganito pala yung pakiramdam na mapaglaruan ka. Na malalaman mong ang girlfriend mo may iba, buntis pa! At take note, lahat may ebidensya. Psssh. Pinigilan ko lang ang sarili ko ng mga oras na yon, lalo na't babae si Jane, kung hindi, hindi ko na rin alam ang nagawa ko.
Nasasaktan ako sa panloloko sa akin. At nasasaktan ako para sa bestfriend ko. Napakatanga ko...