Ellysa's POV
Sa pag dilat ng mga mata ko puting kisame agad ang nakita ko.
Teka asan ako? Kulay pula ang kisame ko e hindi ko to kwarto.
Pinilit kong ilibot ang paningin ko sa buong kwarto.Baka sakaling magkaroon ako ng clue kung asan ako.Nong dumapo ang paningin ko sa kaliwa.Dun lang naging malinaw sakin ang lahat.
Nasa Hospital ako.
Nakita ko si Mommy na nakatulog na sa sofa.Pagtingin ko sa wall clock ala 1 na pala ng madaling araw."M-mommy"hirap na tawag ko.
Unti unting minulat ni Mommy ang mata nya at halos lumuwa ng makitang gising nako.
"Thank God! You're awake" halos madapa pa sya papunta sa kama ko "okay ka lang ba baby?may masakit pa ba sayo?"
Pinakiramdaman ko ang katawan ko.Ramdam ko ang pamamaga ng pisngi ko.May nararamdaman din akong masakit sa tagiliran ko.Inangat ko ang kamay ko at nangunot pa ang noo ng makitang parehong may bandage.Hindi ko rin maigalaw ng maayos parang may bali.
"Mom anong nangyari? Bakit ako nandito?" halatang nabigla si Mommy sa tanong ko.
Pero mukang hindi na kailangang sumagot ni Mommy unti unti ko ng naalala kung bakit ako andito.
Muntik nakong makapatay.
"Si ate Mom? Okay lang ba sya asan sya?" Tanong ko muka kasing ayaw din sumagot ni Mom.
"Y-yeah she's okay now...ikaw nalang talaga ang inaantay naming magisi—wait okay lang baby!"Nataranta si Mommy nong makita nyang ngumiwi ako.Bigla kasing kumirot ang tagiliran ko."wait me here anak.. I'll call the doctor"
Nagmadali si Mommy lumabas para tawagin ang doctor.Pero bago paman dumating ang doctor may pumasok ng male nurse.
"N-nurse sumakit yung tagiliran ko" nahihirapang sabi ko pero ang di ko maintindihan bakit di sya kumikilos para echeck ang sugat ko? Nakatingin lang sya sakin—crap! Nakatitig lang sya.
"B-bakit dika g-gumagalaw dyan?!" Inis na tanong ko pero umupo lang ang walang hiya sa sofa habang nakatingin parin sakin.
Kung wala lang akong saksak sa tagilirang hayop ka kanina kapa naka tikim sakin.
"Ang ingay mo" bored na sabi nya at nagpandikwatrong pangbabae.
Abat hudas nga!
"A-anak ka ng tokwa" gigil na sabi ko pero ngumisi lang ang tado! "Ipapasisanti kita tamo!"
Naghand gesture lang sya na parang sinasabi go ahead.
Sino ka bang hudas ka?! Bat ka andito ? Sagot? Sumagot ka nurse.Nanggigigil ako pero dapat cute padin.