"hoy teka akin yan!" Si issa habang kinukuha kay kayce ang orange.
"Andon sa basket kumuha ka ng sayo stupid!" sigaw din ng tukmol.
"Tumahimik nga kayo" injs na sabi ni ann habang nginunguya ang ubas.
"Taray private room to ng Ospital no?" manghang sabi ni Kyla habang dumidikwat ng saging.
"Yayamanin" komento naman ni Yna habang nagbabalat ng punkan.
Yung totoo sinong may sakit dito?
"Di ba kayo pinapalamon ng mga magulang nyo't dito pa kayo nakidayo?" Inis na tanong ko sa kanila habang nakacross arms.
"Mayaman naman kayo kaya okay lang yan" Sabi ni april at tinapik tapik pa ang balikat ko pero pasimpleng kumukurot ng cake sa lamesa.
Biglang pumasok sina Tania,Ezica, jayiehb at lian.Pansin kong namumutla si Ezica.
"Hi.Kanina pa kayo?" Tanong ni lian at nilapag sa coffee table ang mga dalang pagkain.
"Kararating lang din" sagot naman ni judith.
"Kala ko di ka pupunta?" Tanong ni Tania kay judith.
"Marunong akong umakyat ng gate "
"Hoi! Si elle ang may butas sa tagiliran bat kayo ang kumakain?!" Sigaw sa kanila ni jayiehb.
"Bat ba kasi kayo andito?" Inis na sabi ko sa kanila.Bumaling ako kay Ezica. "Bat namumutla ka?"
Bilang nagtawanan si Tania at Lian
Mukang alam ko na
"Sabi ko kasi kumapit sya ng mahigpit e hindi nakinig....ayan nahulogHAHAHAHAHAHA" natatawang ani ni tania
"Tanga! Ang sabihin mo sinadya mong bilisan!" Inis na sagot ni Ezica.
"Ang ingay tangina nyo kelan kayo uuwi" inis na sabi ko habang hinihimas ang sintido.
"Pag nalaman naming may taning kana" nakangising ani ni kayce.
Pagkatapos ng ilang taon char ng 2 oras umalis na din ang mga walang hiya.
"Kumain kana baby at magpahinga na" nakangiting ani ni Mommy habang pinaghahandaan ako ng pagkain.
"Mom!" Nakangusong sigaw ko.
"Why?" Natatawang tanong nya.
"I'm not a baby anymore...stop calling me baby!"
"Oo nga naman mom hindi na baby yan...kaya na ngang mambugbog ng isang gang yan e" singit ni ate.Sinamaan ko sya ng tingin.
"Whatever.youre still my baby"
Napakamot nalang ako sa kilay ko.kahit kailangan talaga!
Pagkatapos kong kumain ay nakatulog ako agad.
Sa kalagitnaan ng tulog ko ay bigla akong nagising.Hindi ko alam kung bakit pero nong nilinga ko ang paligid nagtaka pako ng wala si Mommy at ate.
Nasan sila?
Nilinga ko pa ang paligid at halos mapamura ng may makitang tao sa sulok ng kwarto.Hindi ko makita ang mukha nya dahil madilim.Mayamaya unti unti syang lumalabas at pumupunta sa liwanag.Nanginig ang buong katawan ko.Kinusot ko pa ng ilang beses ang mata ko para kumpermahin ang nakita pero to too talaga sya.
Tangina ano yan?! Multo?!
Nakahospital gown din sya tulad ko.Nakayuko sya.Mahaba ang straight nyang buhok.Hindi lang sana ako matatakot kung wala lang syang dugo sa damit!.
punyeta!
Dahan dahan nyang inangat ang paningin nya sakin at kinalibutan ako sa muka nya.pulos itim lang ang mata nya, May kung anong simbolo ang muka nya.Ngumisi sya sakin.At sa isang kurap nakadagan nya sya sakin habang.....
Sinasakal ako!